Chapter 14
Cassandra's Point of View
Nandito ako ngayon sa training ground. Nagpapractice kami ng kung ano-ano about sa pagpapagalaw ng mga bagay related to nature like stones, bark of trees, and etc. Kahit di naman na ako magpractice ay okay lang. Very easy lang 'to sa akin, very effortless. Makapangyarihan ako.
Yung mga classmates ko naman ay focus na focus sa lesson namin ngayon. Ano bayan? Ang dali-dali nga ng lesson namin ngayon tapos kailangan nilang mag-exert ng too much effort. Sabagay, ako lang gifted sa amin. Kahit nga hindi na ako mag-training eh.
Hays, ang boring naman. Di na ako nakikinig kay Professor since alam ko naman na nang tinuturo niya. Nilibot ko na lang ang paningin ko sa training ground. Nahagip ng mata ko si Gabriel. He's so serious about what he was doing right now. Hays, kailan ko ba siyang nakitang ngumiti? Never pa ata.
Pinagmamasdan ko siyang mabuti. He's really handsome and very attractive, no wonder kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya but sorry na lang sila kasi ako ang future queen niya. Ang hindi ko lang maintindihan is parang ayaw niya sa akin. What's wrong about me? Maganda naman ako, matalino, at prinsesa pa. Ano pang hahanapin niya? Nasa akin na ang lahat pero kahit hindi mo ako gusto, sa akin ka pa din mapupunta Gabriel kasi we're in a fixed arrangement.
Napalingon ako sa direksyon ng mga water element at nakita ko yung babaeng kasama ni Gabriel sa rooftop. Isabelle, I guess. Whatever! Nakatulala siya. Hahaha para siyang tanga. Tiningnan ko kung saan siya nakatingin at nakita kong si Nigel pala ang tinitingnan niya.
She's a flirt. Ngayon si Nigel naman ang pinagpapantasyahan niya ngayon after kay Gabriel. Ang landi niya! Lahat na lang siguro ng lalaki aakitin niya. Lahat na lang ng lalaki, papatusin niya. Pero di ako papayag na maakit niya si Gabriel, akin lang si Gabriel.
Nag-init ang ulo ko ng makita kong tumingin si Gabriel sa direksyon ni Isabelle. Tiningnan ni Gabriel si Isabelle? Whuuut? No! Don't tell me... no way! Di ako papayag. Humanda talaga sa akin ang Isabelle na yan. Gagawin ko ang lahat masira lang siya. Ako pa ang kinalaban niya. I'm a princess and she's just a common student. Wala siyang laban sa akin.
Natapos na ang lesson namin. Umalis na si Professor at ako naman ay dali-daling pumasok sa loob. Nakita ko na tumakbo si Isabelle. Saan naman siya pupunta and bakit nagmamadali siya? Nakita ko kasing iniwan niya yung mga cheap friends niya. Kailangan kong malaman kung saan siya pupunta.
Binilisan ko rin ang paglalakad ko para masundan siya. Ugh! Ang layo na niya sa akin kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Nakita ko may hinila siyang lalaki dun sa isang corridor. Oh my god! Ang landi niya talaga! After Nigel kanina, another man na naman? Yuck! She's really a flirt!
Dahan dahan akong naglakad kasi baka marinig niya ang mga footsteps ko. Tumago ako sa may gilid ng wall ng corridor.
Hindi ko masyadong naririnig ang pinag-uusapan nila since nagbubulungan lang sila. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? I think, it's so very secret and private kasi dito sila nag-uusap sa walang tao. I need to know what it is.
"...baka may makaalam ng sikreto natin."
Sikreto? Anong sikreto? I knew it, may tinatago itong babae na ito. Lumabas ako sa pinagtataguan ko at hinarap sila.
"Anong sikreto?" Tanong ko with matching taas kilay.
Nakita kong nabigla si Isabelle at yung lalaking kasama niya. Tinaasan ko sila ng kilay sabay nagcross arm. May sikreto pala sila.
"Ano? Anong sikreto?" Ulit kong tanong sa kanila.
"Excuse me, hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na bawal makinig sa usapan ng may usapan?" Tanong niya.