Chapter 55
Gabriel's Point of View
Nakaupo ako sa madilim na kulungan ng dungeons habang ang aking likod ay nakasandal sa pader nito. Tanging ang liwanag lang na mula sa mga sulo ang nagbibigay liwanag sa buong dungeons para makita ko ang bawat bahagi nito. Nandito ako bilang parusa sa ginawa kong pagpapatakas kay Isabelle pero wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko dahil nagawa kong iligtas si Isabelle mula sa parusang kamatayan na ipapataw sa kaniya.
Patuloy ang pagbuhos ng mga luha ko paunti-unti mula sa aking mga mata pababa sa aking mga pisngi dahil hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin at kay Isabelle pagkatapos nilang malaman ang totoo. Hindi ko alam kung magkikita pa ba kami o iyon na ba ang huli naming pagkikita. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang hindi siya makita kung siya ang lakas ko sa araw-araw. Hindi ko rin alam kung ano na ang nangyari sa kaniya matapos ang pagtakas niya at pagtulak ko sa kaniya palayo para makatakas siya nang makita kami ni Nigel na tumatakas. Masakit makitang umiiyak si Isabelle habang lumalayo sa akin at wala akong magawa para patahanin siya.
Inuntog ko ang aking ulo sa pader dahil sa pag-aalala ko sa kaniya at sa katotohanang hindi na kami magkikita kailanman. Pinahid ko ang mga luha ko at inalala ang masasayang alaala kasama siya. Napangiti ako na parang baliw ng maalala ko ang mga panahon na laging umiikot ang kaniyang mga mata sa akin. Hindi niya alam pero sobrang ganda niya sa paningin ko. Hindi niya alam na yun ang dahilan kung bakit ako nahulog sa kaniya.
Kung nasaan ka man ngayon Isabelle, sana ligtas ka at masaya ka. Kaya kong isakripisyo ang buhay ko para sayo...para masigurado kong ligtas ka at nasa mabuting kalagayan. Ayos na ako ang magdusa, wag ka lang dahil masakit para sa akin.
Ang totoo niyan ay alam ko na matagal na isa siyang Dark Side. Alam ko na siya ay galing sa Dark Kingdom dahil narinig ko minsan ang pag-uusap ni Athan sa isang Dark Side sa likod ng kaharian at nabanggit nila ang pangalan ni Isabelle. Sa una ay hindi ako naniniwala pero araw-araw ko nang pinagmasdan ang bawat galaw ni Athan at ni Isabelle at dun ko nakumpira na totoo nga ang lahat. Pinilit kong itago ang katotohanan sa lahat dahil hindi ko kayang mahirapan at maparusahan ang babaeng mahal ko...hindi ko kayang maparusahan si Isabelle dahil sa gagawin ko. Minahal ko na siya kahit sino pa siya.
Alam ko na isang pagtataksil sa kaharian at sa buong Light Side ang ginawa kong pagtatago ng totoong katauhan ni Isabelle pero anong magagawa ko kung mismong puso ko na ang nagsasabi na dapat. Ginawa kong protektahan si Isabelle sa mahabang panahon laban kay Cassandra na naghihinala na sa katauhan niya. Ginawa ko ang lahat para hindi malaman ng lahat ang totoo dahil mahal ko si Isabelle. Mahal na mahal ko na siya, mas higit pa kay Athena.
Lagi ko siyang binabantayan para siguraduhin na ligtas siya. Hinanda ko na ang sarili ko para sa panahon at oras na ito na magkakalayo kami dahil malalaman din nilang lahat ang totoo. Sabi nga nila, walang lihim na hindi nabubunyag. Handa kong isakripisyo ang buhay ko o makulong ng habambuhay sa dungeons na ito, masigurado ko lang na malaya si Isabelle mula sa kanila. Ganun ko kamahal si Isabelle. Mahal na mahal ko siya.
Hindi ko napansin na napaluha na pala ako dahil sa lahat ng iniisip ko. Simula sa pagkikita namin ni Isabelle hanggang sa puntong ito. Masaya ako. Masaya ako na napagtapat ko ang totoong nararamdaman ko sa kaniya kahit nadadaga at naduduwag ako. Nakaya kong ipagtapat ang pagmamahal ko sa kaniya at mas lalo akong sumaya ng sabihin niya rin na mahal niya rin ako at pareho kami ng nararamdaman. Ako na ata ang pinakamasayang nilalang sa mundo ng Majika. Wala na nang mas hihigit pa sa nararamdaman ko nang mga oras na yun.
"Mahal na mahal kita, Isabelle kahit magkaiba tayo ng mundo at hindi tayo pwede sa isa't isa. Patuloy pa rin kitang mamahalin...hanggang dulo." Bulong ko sa kawalan at tumulo ang mga luha ko at napakapit ako sa aking dibdib ng maramdaman ko ang pagpintig nito. Isa lang ang tinitibok ng puso ko, ito ay ang pangalan ni Isabelle.