Chapter 27

1.6K 33 2
                                    

Chapter 27

Gabriel's Point of View

Naglalakad ako ngayon pabalik sa kaharian ng Southern Kingdom dahil gabi na. Naglibot-libot ako kanina sa Southern Village nang bigla kong makita si Isabelle at Nigel na magkasama sa isang accessory shop. Hays, bakit ba hindi matangal sa isip ko ang pagtingin sa akin ni Isabelle kanina? Nakakainis talaga ang babaeng yun.

Papasok na ako sa kaharian ng madatnan ko yung mga kaibigan ata 'to ni Isabelle na nakatayo dito malapit sa may pintuan at parang may hinihintay. Ano kayang ginagawa nila dito sa labas? Gabi na oh. Hays, iba talaga ang trip nitong sina Isabelle.

"Asan na kaya sina Isabelle? Gabi na oh."

Papasok na sana ako sa loob ng mapahinto ako sa paglalakad ng marinig kong nagsalita ang isa sa mga kaibigan ni Isabelle. Ano daw? Dahil parang nacurious ako ay lumapit ako sa kanila at nagtanong.

"Asan si Isabelle?" Tanong ko sa kanila at napatulala naman sila sa akin.

"Prince Gabriel, hindi nga namin alam eh. Kanina kasi hiniram siya ni Prince Nigel kasi may pupuntahan sila pero hanggang ngayon wala pa rin sila. Nag-aalala na nga kami kung nasaan na sila." Nag-aalalang sagot sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Isabelle.

"Saan sila pumunta?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi ko po alam Prince Gabriel. Hindi naman po sinabi ni Prince Nigel." Sagot naman nung isa sa mga kaibigan ni Isabelle.

Saan naman dadalhin ni Nigel si Isabelle? Tapos sila lang dalawa? Baka kung anong kalokohan na ang ginawa ni Nigel kay Isabelle? Humanda siya! Wait? Bakit parang concern ako kay Isabelle? Concern ba ako sa kaniya? Hays, ewan.

"Okay." Tipid kong sagot sa kanila habang patuloy silang naghihintay dun at mukhang nag-aalala.

Papasok na sana ulit ako sa kaharian pero napahinto ako sa paglalakad ng may marinig akong ungol mula sa di kalayuan. Napatingin ako sa direksyon ng ungol at bigla akong kinabahan. Kung hindi ako nagkakamali, mula iyon sa... Land of the Sunflowers. Napaisip ako at bigla kong naalala na paboritong lugar iyun ni Nigel dito sa kaharian nila dahil dun siya pumupunta tuwing malungkot siya. Baka dun sila pumunta at baka nasa panganib sila.

Anong katangahan kasi ang naisipan nila at bakit nagpagabi sila ng ganun? Hays, baka kailangan nila ng tulong at baka nasa panganib talaga sila. Narinig ko muli ang isa pang ungol mula sa direksiyon kung nasaan ang Land of the Sunflowers. Napatingin muli ako dun at bigla na akong kinabahan.

"Ungol yun ng isang Cerberus..." Bulong ko sa sarili ko.

Agad akong tumakbo paakyat sa kwarto ko na parang wala nang bukas. Wala akong pakialam kahit may nababangga na ako sa pagtakbo ko. Ang importante ay makarating agad ako sa kwarto. Nakarating naman ako kaagad sa kwarto ko at hinanap agad ang pana ko. Kinuha ko iyon at inilagay sa likuran ko. Nung bata pa ako ay tinuruan na ako ni Dad mag-archery kaya bihasa ako sa archery.

Bababa na sana ako ng makasalubong ko sina Calvin at Ezekiel na papunta sa kwarto namin.

"Oh bro, saan ka pupunta?" Tanong ni Ezekiel sa akin.

"At bakit parang kinakabahan ka na ewan?" Nagtatakang tanong ni Calvin sa akin.

"Nasa panganib sina Nigel at Isabelle!" Sabi ko sa kanila na ikinagulat nila.

"Paano mo nalaman?" Tanong ni Ezekiel.

"Wag na kayong maraming tanong. Padaanin niyo ako." Sabi ko sa kanila pero bago ako makaalis ay nagsalita sila.

"Sasama kami!" Sigaw ni Ezekiel kaya napalingon ako sa kanila.

"Bilisan niyo!" Utos ko sa kanila kaya dali-dali silang tumakbo sa kwarto namin at kinuha rin ang mga pana nila.

Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon