Chapter 49
Isabelle's Point of View
Pinulot ko ang black cloak na suot kanina ng nagtangkang pumatay sa akin na naging isang itim na usok at nawala na parang bula. Kinuha ko iyon at sinimulan nang suotin. Kailangan kong itago ang sarili ko para mahirapan si Cassandra sa paghahanap niya sa akin kung tangkain niya man akong patayin. Mahihirapan siyang makita ako sa dilim.
Tinakluban ko na ang mukha ko pero sapat lang iyon para makita ko ang paligid. Hinanap ko rin kung saan pumunta ang puting maliwanag na parang usok na kasing bilis ng hangin kung mawala. Nagsimula naman na akong maglakad pero natumba ako sa lupa ng may maramdaman akong may tumamang matigas na bagay sa likod ko at biglang nagdilim ang paningin ko.
Zoe's Point of View
Patuloy akong tumatakbo at tumitingin sa paligid. Patuloy kong hinahanap kung nasaan ang magical chalice. Kinakabahan naman ako para sa sarili ko, para kay Ariana at para kay Isabelle. Sana wala namang nangyaring masama sa kanila.
Nahirapan naman akong makita ang mga daan dahil sa dilim ng paligid at nagtataasan ang mga puno dito. Nagsimula nang takluban ng makakapal na ulap ang buwan dahilan para mas lalong dumilim ang paligid. Wala na akong makita. Kinakabahan na ako at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Sa di kalayuan ay may naaninag akong isang lalaking nakatayo at nakakapit sa kaniyang braso. Lumapit ako sa kaniya at tumago sa isa sa mga punong malapit sa kaniya para maaninag ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Calvin at sasaksakin na si... Isabelle. Bumilis ang tibok ng puso ko at agad akong tumkabo papalapit sa kaniya para pigilan siya.
"Calvin!" Sigaw ko at umalingawgaw ito sa kagubatan. Gulat naman siyang napatingin sa akin at nabitawan ang kutsilyong hawak niya at hinawakan muli ang nagdurugong braso niya. A...nong nangyari sa braso niya? Bakit dumudugo?
Agad ko siyang hinarang at lumuhod sa harapan ni Isabelle. Iniharap ko siya at nakita ko na wala siyang malay at nakasuot siya ng isang black cloak. Anong nangyari? Binalik ko ang tingin ko kay Calvin at tiningnan siya ng masama.
"Anong ginawa mo kay Isabelle?!" Galit kong tanong sa kaniya. Hinawakan at tinapik ko ang mukha ni Isabelle at ginigising siya.
"Isa siyang traydor! Balak niya akong patayin!" Galit niyang sagot sa akin at naaaninag ko sa mukha niya ang galit kahit masakit ang braso niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano?!
"Ano?! Hindi yan magagawa ni Isabelle. Kilala mo siya!" Sigaw ko sa kaniya at pinipilit na gisingin si Isabelle.
"Yun ang akala ko pero pinagtangkaan niya akong patayin. Siya ang may dahilan kung bakit dumudugo ang braso ko. Siya ang pumana sa akin at siya ang naka black cloak na humahabol sa akin!" Sigaw sa akin ni Calvin habang dinuduro niya si Isabelle. Hindi naman ako nakaimik sa mga sinabi niya. Tiningnan ko si Isabelle na nasa may hita ko at nakita ko na nakasuot siya ng isang black cloak katulad ng sabi ni Calvin at mayroon siyang pana sa may likod niya. Bumilis ang tibok ng puso at kinabahan.
"Hindi siya yun! Wag na wag mong sasaktan si Isabelle!" Sigaw ko sa kaniya pero hindi niya ako sinunod. Pinulot niya muli ang kutsilyo na nabitawan niya kanina at sasaksakin na sana si Isabelle pero nagulat ako ng may biglang puting maliwanag na usok na parang hangin na umikot kay Calvin kasabay nun ang pagkawala ng hawak niyang kutsilyo. Anong nangyari?
Tumingin kami sa paligid ni Calvin at pareho kaming nabigla sa pangyayari. Natulala naman ako ng may makitang isang tao na nakatayo malapit sa amin na naka...black cloak din. Naglakad siya palalapit sa amin at tumakbo.