Chapter 17

2.2K 53 1
                                    

Chapter 17

Nandito na kami ngayon sa training ground. A typical discussion lang ang nangyari kaninang umaga. Walang bago. So as Professor Lucas asked for me, ako ang naglead sa class namin ngayon. Hindi ako feeling magaling ngayon kasi napakagaling ko talaga.

"Good Afternoon guys!" Bati ko sa kanila.

"Good Afternoon din Isabelle!" Bati rin nila sa akin.

"So, this afternoon, wala si Professor Lucas because he has something to do very important and he asked a favor to me na ako muna ang mag-act as the professor for this afternoon. Is it okay to you guys?" Tanong ko sa kanila.

"We trust you."

"Sa galing mong yan."

"Oo naman Ate Isabelle."

Napatingin naman ako sa babaeng nagsalita ng panghuli. Nginitian ko siya at ngumiti naman siya sa akin pabalik. Ang amo ng mukha niya at ang ganda niya sobra. Mga ka-level ko, mga ganun. Pero natouch ako sa mga sinabi nila. They trust me? Hindi dapat.

"Thank you guys. Let's start the lesson." Sabi ko. "Ang magiging lesson natin for this afternoon is just the continuation of the lesson yesterday. Mastery na lang ang gagawin natin, okay?" Paliwanag ko sa kanila habang nasa unahan ako at nagfefeeling professor.

Tumango naman sila at nagkanya kanya nang posisyon. Nagpractice sila ng nagpractice kung paano magpapalabas ng tubig sa kanilang mga kamay. Ilang oras din silang nagpractice at nakukuha na rin nila.

Yung iba, talagang focus na focus at gustong-gustong magpalabas ng tubig mula sa mga palad nila. Yung iba naman, parang napapagod na pero hindi tumitigil. Napansin ko sina Ariana at Zoe na nagpapractice din at nakukuha na nila.

Napansin ko naman yung babaeng maganda na nagsalita kanina ng pagchicheer sa akin na para siyang nahihirapan. Halatang mas bata siya sa akin. Nilapitan ko siya at kinausap.

"Hello. Kailangan mo ba ng tulong?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin ng hindi nakangiti. Parang seryosong-seryoso siya sa ginagawa niyang pagpapractice.

"Hindi na po Ate. Kaya ko na po tapos baka po makaabala ako." Sabi niya sa akin.

"Ano ka ba. Diba, ako ang professor ngayon at isa sa mga duty ng isang professor ay tulungan ang kaniyang mga estudyante kapag nahihirapan, kaya hayaan mo akong tulungan kita o kaya i-motivate para magawa mo." Paliwanag ko sa kaniya habang nakatingin sa mga mata niya. Nakakainis kasi nagiging mabait ako pag napapalibutan ako ng mababait na tao. Tapos kailan pa ako naging sobrang matulungin?

"Okay po Ate. Kayo po bahala. Thank you po." Sabi at pagtithank you niya sa akin na parang nahihiya.

"Saan ka ba nahihirapan?" Tanong ko sa kaniya.

"Sa pagpapalabas po ng tubig sa palad ko kasi kahit anong gawin kong concentration, wala po talagang lumalabas." Sabi niya sa akin ng sobrang lungkot. Yung parang nawalan na siya ng pag-asa kaya as the acting professor, chineer up ko siya.

"Wag mong masyadong ipressure ang sarili mo. Just relax your mind and focus and lalabas na lang yun naturally. Don't pressure yourself. Kung hindi mo nakukuha, practice lang ng practice kasi diba, practice makes perfect. Pero kung na pipressure ka dahil nahuhuli ka na sa amin, wag mo yun isipin." Paliwanag ko sa kaniya. Pero nagtataka talaga ako kung saan ko nakukuha at napupulot ang mga words of wisdom na nasabi ko sa batang ito. Namamangha na lang ako sa mga pinagsasabi ng bibig ko.

"Oo ate, napipressure ako pero hindi dahil nahuhuli na ako sa inyo pero dahil malaki po ang expectation ng mga tao sa akin. Kailangan ko pong maging magaling sa kanila. Nahihiya nga po ako kasi makakapangyarihan sina Mommy at Daddy. Magagaling sila tapos naiingit po ako kay Kuya kasi ang galing na din po niyang mag manipulate ng element niya. Ako na lang po ang hindi." Paliwanag niya at halata mo sa kaniya ang pagkapressure kasi makikita mo yun sa mata niya at maririnig mo iyun sa pagbigkas niya ng mga salita.

Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon