Chapter 51

1.2K 26 0
                                    

Chapter 51

Isabelle's Point of View

"IKULONG SIYA SA DUNGEONS AT SINTENSYAHAN NG PARUSANG KAMATAYAN!" Naistatwa ako at natulala sa mga sinabi ni King Caesar. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig dahil sa panlalamig ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nag-uunahan ang mga luha ko sa pagtulo sa pisngi ko at nanghihina ang katawan ko habang hawak ako ng mga kawal dahil sa mga nangyayari ngayon.

Kita ko mula sa mga mata nila ang galit sa akin. Matalim nila akong tinitingnan at kulang na lang ay gilitan nila ako ng buhay. Patuloy naman ang pagbuhos ng mga luha ko. Napatingin ako sa unahan at nagtama ang mga mata namin ni Gabriel. Diretso siyang nakatingin sa akin at ganun din ako sa kaniya. Nakita ko mula dito kahit malayo ang pagitan namin sa isa't isa ang pag-igting ng kaniyang mga panga at ang pagkuyom ng kanyang kamao. Tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko ng makita ko sa mukha niya ang galit. Hindi ako makahinga habang diretso niya akong tinitingnan. Gabriel...patawad.

"DALHIN AT IKULONG NA SIYA SA DUNGEONS!" Sigaw muli ni King Caesar sa mga kawal na nakakapit sa akin at sinimulan na nila akong kaladkarin. Kita ko na lahat sila ay nakatingin sa akin ng sama. Nanlabo ang mga mata ko dahil sa hindi matapos na pagbuhos ng mga luha ko at dahil sa nakita kong reaksyon ni Gabriel. Alam kong kakasuklaman mo ako Gabriel at inihanda ko na ang sarili ko sa oras na ito pero bakit nasasaktan pa rin ako.

Wala akong pakialam kahit hinihila at kinakaladkad na ako ng mga kawal dito at ikukulong sa dungeons. Wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Napatigil naman ako sa paglalakad at pagkakalakad nila sa akin ng may sumigaw ng napakalakas. Napalingon ako sa likuran ko at muling tumulo ang aking mga luha. Parang nadurog ang puso ko sa nakikita ko ngayon.

"TAMA NA!" Sigaw ni Ariana habang nasa gitna siya ng Great Grand Hall at nasa may red carpet. Umiiyak siya at nakatingin sa akin ng diretso. Mas lalo akong nasaktan makitang umiiyak si Ariana dahil sa akin. Wag Ariana...wag mo akong ipagtanggol. Madadamay ka. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa dahil hindi ko kayang makaalis mula sa hawak ng mga kawal ng kaharian sa akin. Kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ko magawa. Nakita ko siyang lumingon kina King Caesar.

"TAMA NA!" Sigaw niyang muli at nabasag na ang kaniyang boses dahil sa pag-iyak niya. Muli siyang lumingon sa akin ng umiiyak. Tama na...Ariana. Ayokong madamay ka.

"ISABELLE!" Tumakbo siya papalapit sa akin pero bago pa siya makalapit sa akin ay hinarangan na siya at pinigilan ng mga kawal ng kaharian. Nakita ko siyang napaluhod dahil pinilit siyang pinaluhod ng mga kawal. Parang nadurog at piniga ang puso ko ng makitang nahihirapan si Ariana. Nasasaktan ako ng makita ang kalagayan niya ngayon dahil sa akin.

"ANG SINO MANG SUMALUNGAT SA AKING IPINAG-UUTOS AY IKUKULONG SA DUNGEONS AT SISINTENSYAHAN NG PARUSANG KAMATAYAN!" Sigaw ni King Caesar at muli akong naistatawa dahil sa mga sinabi niya. Hindi...hindi pwede. Ariana!

"IKULONG SILANG DALAWA SA DUNGEONS AT PATAWAN NG PARUSANG KAMATAYAN BAGO SUMIKAT ANG ARAW!" Bumuhos na ng tuluyan ang mga luha ko dahil sa narinig ko. Hindi...hindi ako papayag na madamay si Ariana dahil sa akin. Nagpupumiglas ako kahit nanghihina na ako at patuloy ang pagbuhos ng mga luha para malapitan ko si Ariana at mayakap. Ayaw kong madamay siya. Hindi ko kaya.

Nakita ko na napayuko si Ariana sa pagkakaluhod niya. Alam kong nahihirapan na rin siya at wala akong magawa. Wala akong magawa para iligtas siya! Patuloy ako sa pagpupumiglas pero hindi ako makaalis sa mga hawak ng kawal dahil marami at malalakas sila kaya ang tangi ko na lang kayang gawin ay tingnan si Ariana habang nahihirapan sa harapan ko at yun ang ikinadudurog ng puso ko. Nagulat ako ng nagpumiglas si Ariana at humarap siya sa unahan.

Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon