Chapter 47

1.1K 25 3
                                    

Chapter 47

Gabriel's Point of View

Patuloy ang pagtulo ng mga luha ko at hinahayaan ko lang ang pagbagsak ng mga ito para maibsan kahit papaano ang sakit at kirot ng puso ko. Hindi ko mapigilang hindi masaktan sa tuwing inaalala ko ang mga sinabi sa akin ni Isabelle. Hindi ko mapigilang hindi masaktan dahil sa mga nangyayari. Patuloy akong nakatanaw sa bintana ng aking kwarto habang pinagmamasdan ko ang mga bituin at ang buwan sa kalangitan.

"Mahal na mahal kita, Isabelle..." Bulong ko sa kawalan habang nakatingin sa kalangitan. Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko at ang lamig ng hangin na dumadampi sa aking mukha. Tulala lang ako habang inaalala ang mga nakalipas na araw...mga araw na sinayang ko...mga araw na naging duwag na naman ako. Mga araw na pinalampas ko at mga araw na hindi ko sinabi kay Isabelle kung gaano ko siya kamahal. Na siya na ang mahal ko...at hindi na si Athena.

Huli na ang lahat at sumuko na ng tuluyan si Isabelle dahil sa kaduwagan ko. Kung sinabi ko agad kay Isabelle na siya na ang totoo kong mahal, baka may pag-asa pang maging okay ang lahat. Hindi na maaayos ang lahat lalo na't galit na sa akin si Isabelle. Lalo na't hindi na niya ako pinagkakatiwalaan. At ang lahat ng yun ay dahil sa kaduwagan mo, Gabriel!

Siya ang totoo kong mahal. Hindi na si Athena. Hindi ko na maramdaman sa kanya ang pag-ibig at pakiramdam na naramdaman ko dati sa kanya. Hindi ko na makita sa kanya ang mga mata at mga ngiti niyang hinahanap-hanap at kinasasabikan ko. Hindi ko na makita sa kanya ang mga bagay na ikinahulog ng loob ko at hindi ko na maramdaman ang dating Athena na kung saan nahulog at tumibok ang puso ko.

Dahil kay Isabelle ko na natagpuan ang lahat. Kay Isabelle ko na naramdaman ang totoong pagmamahal at kay Isabelle ko na ilalaan ang buhay ko. Si Isabelle na ang nagpatibok ng sobra sa puso ko. Si Isabelle ang nagpapangiti sa mga labi ko. Si Isabelle na ang bumubuo ng mga hindi kumpletong araw ko at si Isabelle na ang babaeng mahal ko at gusto kong maging parte ng buhay ko. Siya na...at siya lang.

Pero paano ko na matutupad at mararanasan ang lahat ng yun kung wala na sa akin ang loob ni Isabelle. Hindi ko alam. Siguro, hindi talaga kami para sa isa't isa katulad ng sabi niya. Siguro nga magkaiba kami ng mundo. Siguro nga kailangan ko lang tanggapin ang katotohanan...na magkaiba talaga kami.

Patuloy ang pagpatak ng mga luha ko dahil sa mga alaala namin ni Isabelle na pinagsaluhan na kailanman ay hindi ko na mararanasan at tanging mababalikan ko na lang dahil nakatakda na akong ikasal, ikasal sa babaeng minsan ko nang minahal pero hindi ko na maramdaman ang pag-ibig na dati'y aking inaasam. Ikakasal na ako kay Athena sa susunod na linggo. Nakatakda na kaming ikasal pagkatapos ng tournament pero bakit hindi ko na maramdaman ang pagkasabik sa kanya. Bakit hindi ko na maramdaman ang pananabik sa pagbalik niya?

Nagsisisi ako sa gabing hinayaan kong tumakbo palayo sa akin si Isabelle. Nagsisisi akong mas pinili kong yakapin si Athena habang siya ay lumuluha ng sobra. Nagsisisi ako...sobrang nagsisisi ako.


*FLASHBACK*

"Ian..." Nanlamig ang buong katawan ko at naistatwa nang makita ko ang babaeng nasa harapan ko. Unti-unting nanlabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang namumuo at handa nang bumagsak sa kahit anong oras. Nabitawan ko rin ang kamay ni Isabelle na hawak-hawak ko kanina. Parang biglang tumibok ang puso ko ng banggitin niya ang pangalan ko.

"Athena..." Mahina kung tugon sa kaniya at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Tuluyan ko na ring nabitawan ang kamay ni Isabelle. Nagulat ako ng biglang tumakbo papalapit sa akin si Athena at bigla akong niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam pero automatiko akong napayakap sa kanya pabalik dahil sa pagkabigla at pagsabik. Napangiti ako dahil sa saya at nakita ko siya habang tumutulo ang mga luha ko pero hindi ko na maramdaman ang dating pakiramdam tuwing kayakap ko siya.

Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon