Kabanata 11

2.2K 53 2
                                    

Nabalik ako sa aking ulirat mula sa malalim na imahinasyon nang marinig ko ang mga katok mula sa pinto ng aming kwarto.



"Pasok," sigaw ko sa taong nasa labas.



Dahan-dahan itong bumakas. Nabigla ako at mas lalong uminit ang buong kwarto nang iluwa siya ng aming pinto.


Dahan-dahang sumilip si Prince Nigel sa loob ng aming kwarto at agad niya akong namataan na nakaupo sa aking kama. Ngumiti siya sa akin.



"Pwede bang pumasok?" tanong niya habang ang kalahati niyang katawan ay nakasilip.

"Sure, Prince Nigel," sagot ko.



Pinagpatuloy niya ang pagpasok sa loob at marahang isinara ang pinto ng kwarto. Nakita ko ang cast niya sa kaniyang kanang braso habang mayroon itong arm sling.



"Hi, Isabelle," napapaos niyang bati sa akin. Inayos ko ang aking pagkakaupo habang siya ay naupo sa kaliwang gilid ng aking kama.

"Hi, Prince Nigel," bati ko rin sa kaniya.



Ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko maalis sa mga ngiti ko ang guilt sa kalagayan niya ngayon. Dahil sa akin kaya't mayroong benda ang kaniyang kanang braso.



"How are you, Isabelle?" tanong niya.

"Ako nga dapat nagtatanong niyan sa inyo, Prince Nigel," nahihiya kong utas. Napayuko ako dahil sa hiya. Napatawa siya.

"Wala kang kasalanan and besides, it's just a minor fracture. I'm totally fine," saad niya habang pinapakita sa akin ang naka-arm sling niyang braso.

"Hindi mo naman kasi kailangang gawin iyon, Prince Nigel," saad ko.

"No, I need to," tugon niya. Napangiti siya sa akin. Mas lalong uminit ang kwarto. "So, how are you?" tanong niya ulit.

"Okay naman na ako, Prince Nigel. Napagod lang ang katawan ko. Kaunting pahinga lang ang katapat nito," sagot ko.

"Naistorbo ba kita sa pagpapahinga?" nag-aalalang tanong niya?

"No," agad kong sagot. "Thank you rin Prince Nigel sa nangyari kanina. Kung hindi ka dumating, baka patay na ako," utas ko.

"You're always welcome, Isabelle," saad niya. "And just call me, Nigel," dugtong niya.

"Pero isa kang prinsipe," pag-aalinlangan ko sa gusto niya. Ngumisi siya.

"Ganito na lang. Call me Prince Nigel kapag maraming taong makaririnig pero kapag tayong dalawa lang katulad ngayon, just Nigel. Deal?" tanong niya.



Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Iniisip kong mabuti.



"That's non-negotiable. I'll consider your silence as a yes," saad niya. "Seal the deal!" utas niya at inilahad ang kaniyang kaliwang kamay para makipagkamay.



Hindi na ako nakaangal kaya't tinggap ko na rin lang ito. Hindi naman siguro masama ang gusto niyang mangyari.



"Sigurado ka bang ayos na ang pakiramdam mo?" tanong niya muli sa akin.

"Sigurado. Bakit hindi mo itanong iyan sa sarili mo? Hindi mo na ako kailangang puntahan dito sa kwarto ko para kumustahin. Dapat nga nagpapahinga ka na lang sa kwarto mo," sermon ko sa kaniya. Napatawa siya.



Totoo naman eh. Hindi naman niya kailangang pumunta pa rito para alamin ang kalagayan ko. Hindi naman ako importanteng tao para alalahanin niya. Isa pa, dapat siya ang nagpapahinga nang maayos dahil siya ang may malalang kondisyon sa aming dalawa.


Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon