Chapter 28

1.6K 33 0
                                    

Chapter 28

Isabelle's Point of View

Nagising ako at iminulat ang aking mga mata. Nahirapan akong ibuka ang aking mga mata dahil nasisilaw ako sa liwanag. Pinilit kong imulat ang aking mga mata at nalaman ko na nasa kwarto na pala ngayon. Ang huli kong natatandaan ay nasa may garden ako at bigla na lang natumba. Hindi ko na natandaan ang mga sumunod na nangyari. Bakit nandito na ako ngayon sa kwarto?

Kamusta na pala si Nigel? Ano nang nangyari sa kaniya? Kailangan ko siyang puntahan. Kailangan kong tingnan kung ano na ang lagay niya. Kahit masakit pa rin ang katawan ko ay pinilit kong bumangon.

Umupo ako sa kama pero biglang kumirot ang ulo at sumakit ang katawan ko kaya nahirapan ako na bumangon. Pinilit ko namang umupo kahit nahihirapan ako. Inilibot ko naman ang mata ko at hindi ako nagkakamali dahil ito ang kwarto namin. Maliwanag ang kwarto namin dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa bintana namin. Hinanap ko naman kaagad sina Ariana at Zoe pero hindi ko sila makita.

Bababa na sana ako sa kama ko para hanapin sila pero biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Napalingon ako dun at nakita ko si Ariana at Zoe na may dala-dalang tray ng pagkain. Nagulat naman sila ng makita ako na nakaupo na sa kama.

"Isabelle, gising ka na!" Sigaw ni Ariana sabay inilapag ang tray ng pagkain sa table malapit sa may kama at niyakap ako.

"Hindi, tulog pa ako." Sarkastiko kong sagot sa kaniya. Obvious bang gising ako?

"Nakakainis ka! Pinag-alala mo kami. Ilang beses mo ba kaming pag-aalalahanin?" Sabi niya sa akin habang nakayakap pa rin sa akin. Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin at humarap sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama habang si Zoe naman ay umupo rin sa kabilang gilid.

"Kamusta na ang pakiramdam mo Isabelle?" Tanong sa akin ni Zoe na may pag-aalala sabay hawak sa mga kamay ko. Kita mo sa kanila na nag-aalala talaga sila sa akin. Ngayon lang ako nakaramdam na may nag-aalala rin pala sa akin maliban kay Dad.

"Okay na ako. Masakit na lang ng konti ang ulo at ang katawan ko." Paliwanag ko sa kanila para hindi na sila mag-alala. Ngumiti naman ako sa kanila at ganun din sila sa akin.

"Ito Isabelle, kumain ka ng marami para lumakas ka." Sabi sa akin ni Ariana habang kinukuha niya ang isang tray ng pagkain at inilapag iyon sa harapan ko.

"Kailangan mong kumain ng marami para bumalik kaagad ang lakas mo." Sabi naman ni Zoe sa akin.

"Ano? Kaya mo bang kumain o susubuan ka na lang namin?" Tanong sa akin ni Ariana na ikinatawa ko kahit seryoso at nag-aalala sila sa akin.

"Kaya kong kumain Ariana at Zoe. Wag na kayong mag-alala sa akin." Sabi ko sa kanila at sila naman ang hinawakan ko sa kamay.

"Paano kami hindi mag-aalala eh muntikan ka nang mamatay ng dahil sa amin." Naiiyak na sabi ni Ariana. Sa aming tatlo, si Ariana ang may pinakamababaw na luha.

"Ano ka ba, hindi kayo ang may kasalanan. Walang may kasalanan." Sabi ko kanila at hinigpitan ang hawak ko sa kanilang kamay para kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Wag niyong sisihin ang mga sarili niyo at okay lang ako." Sabi ko sa kanila kahit alam ko kung sino ang dapat sisihin. Si Athan.

"Pero hindi eh, kung hindi ka namin pinayagan, eh di sana hindi ka nasaktan." Sabi naman ni Zoe sa akin.

Bigla namang sumagi sa isipan ko si Nigel na duguan kagabi. Hinang-hina siya at marami nang dugo ang nawala sa kaniya.

"Nasaan pala si Nigel? Kamusta siya?" Tanong ko sa kanila na may pag-aalala kay Nigel dahil hindi ko alam ang nangyari sa kaniya kagabi nung pinalabas kami sa kaniyang kwarto.

Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon