Kabanata XIX

1.9K 50 13
                                    


Chapter 19

Nakarating na kami sa Assembly Hall at nakasalubong naming si Cassandra na ikinabigla ko ang ginawa sa akin. Itinaas niya ang kanyang kamay at ubos lakas na sinampal ako.

"Ang landi mo!" Sigaw sa akin ni Cassandra.

Susugurin pa sana ako ni Cassandra pero pinigilan siya ni Gabriel. Dahil sa pagkabigla ko at pagkainis ay hindi rin ako nagpaawat. Sinugod ko din siya ay ubod lakas kong hinila ang buhok niya na pwede nang madala ang anit at utak niya. Ganun kalakas. Gusto niyo itry ko sa inyo?

Dumating naman sina Ariana, Zoe, at Prince Nigel para umawat sa akin. Nakita ko din si Athan na lumapit sa akin. Hindi ako nagpaawat at pinagsasampal ko siya at ganun din siya sa akin. Hindi kami nagpaawat sa isa't isa.

Hinila ako ni Prince Nigel at hinila naman ni Gabriel si Cassandra. Inayos ko ang mga buhok ko na nakatabing sa mukha ko. Nakatingin sa amin lahat ng estudyanteng natitira sa Assembly Hall.

"Anong gusto mo?!" Tanong ko sa kanya kasi hindi ko alam kung bakit sinampal niya na lang ako bigla-bigla.

"Ano gusto ko?! Ang mawala ka!" Sabi niya ng pasigaw.

"Ano bang pinaglalaban mo at ikinapuputok ng pancreas mo?!" Pasigaw ko ding tanong sa kanya. Hindi ako papatalo sa pagtataas ng boses niya.

Sumusugod siya sa akin pero pinipigilan siya ni Gabriel.

"Stay away from Gabriel! Stay away from my FIANCE! You slut!" Sigaw niyang sabi.

I fixed myself. Binitawan na naman ako ni Prince Nigel kasi kumalma na ako at sinabi kong bitawan na niya ako. Nasa likuran ko naman sina Ariana, Zoe at Athan.

"And who are you to instruct me of what to do? Hindi ko gagawin ang gusto mo!" Sigaw ko sa kaniya.

"You're really getting on my nerves!" Sigaw niya at sumugod siya sa akin.

"Enough!" Sigaw ni Gabriel.

Tumahimik naman kami. Wala nang nagsasalita sa amin. Nakatingin lang ng masama sa akin si Cassandra at nakatingin rin ako sa kaniya ng mas masama. Di ako papatalo sa kaniya.

"Ano?! Gusto niyong mag-eskandalo?! Yan ba gusto niyo?!" Sigaw na tanong ni Gabriel.

Nakakatakot ang aura ngayon ni Gabriel. Walang nagtatangkang magsalita kahit si Cassandra at ako. Tahimik naman ang mga estudyanteng nanonood. Lumalabas ang mga ugat niya sa leeg kapag sumisigaw siya.

"Hindi ako nauna! Siya!" Sigaw ni Cassandra sabay turo sa akin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Kung gusto mong gumawa ng eksena Cassandra, wag mo kaming idinadamay. You are free to embarrass yourself but don't involve us!" Sabi ni Gabriel. Tumingin naman siya sa paligid at nagsalita. "Tapos na ang palabas kaya pwede na kayong umalis! Leave!" Sabi niya sabay walk-out.

Wait? Ako dapat nagwalk-out ah. Naiwan mag-isa si Cassandra. Naglakad na kami pabalik sa dormitory pero tinarayan ko muna siya bago umalis ng tuluyan.

Sumunod naman sina Ariana at Zoe sa akin. Hindi ako umiimik hanggang makarating kami sa kwarto namin at umupo ako sa kama.

"Nakakainis!" Sabi ko.

"Oo talaga Isabelle, gusto ko na ngang kalbuhin yung Cassandra na yun." Sabi ni Ariana ng may pangigigil.

"Porket prinsesa siya, may karapatan na siyang manakit? No no no!" Sabi ni Zoe.

"Hayaan niyo na siya. Nakakainit lang talaga ng ulo! Ano bang ginagawa ko sa kanya?" Tanong ko sa kanila .

Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon