"Anong ginagawa mo rito?!"
Nagulat ako at napabalikwas sa aking pagkakaupo nang may marinig akong sumigaw. Bigla akong napatayo at napatingin sa direksyon kung saan nanggaling ang sigaw. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa sobrang gulat ko.
Nanlaki ang mga mata ko at biglang tumaas ang lahat ng dugo ko sa aking katawan papunta sa ulo ko. Nag-init ang ulo ko sa nakita ko.
"Hoy! Bakit mo ako ginulat ha?! Bwisit ka!" sigaw ko sa kaniya.
Sobrang galing nga naman ng tadhana. Kung sino pa ang kinaiinisan mo ay siya pa ang ipapakita sayo. Pero ayos lang dahil makagaganti na rin ako sa kaniya. Siguro nagtataka kayo kung sino ang sinisigawan ko ngayon at kung sino ang dahilan ng pag-init ng ulo ko.
Sino pa ba ang sisigawan ko? Eh 'di 'yong lalaking walang modo at bastos na nanghawak ng kamay ko nang basta-basta at 'yong lalaking nang-iwan sa akin matapos niya akong abalahin. Oo, siya 'yong gumulat sa akin sa pagre-relax ko. Bwiset! Aatakihin ako sa puso. Leche!
"Anong ginagawa mo rito? Sinong nagsabing pwede ka rito? Umalis ka nga," utos niya sa akin.
Wow ha. Ang kapal naman niya para paalisin ako rito. Sino siya para utusan ako? Tapos ako, uutusan niya? No way! Over my dead gorgeous body!
"Hoy! Ang kapal mong paalisin ako rito. Bakit sayo ba 'to? May pangalan mo?" tanong ko sa kaniya nang may pagtataray because he's really getting on my nerves. Hindi pa rin ako makamove-on sa panggugulat niya sa akin, the fact na muntik na akong mamatay sa gulat.
"Excuse me miss, wala 'tong pangalan ko but I found it first meaning, akin 'to," sabi niya tapos dire-diretso siyang naglakad papunta sa bench kung saan ako nakatayo ngayon.
Umupo siya habang ako naman ay lumayo sa kaniya at hinarap siya. Sinundan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay sabay nag-cross arms ako.
"Wala pa lang pangalan mo eh, pwes, hindi mo ako pwedeng paalisin dito," pagtataray ko sa kaniya. Ugh! Ang presko talaga ng lalaking 'to. Sarap ipakain sa carnivorous na paniki o kaya gawing target sa archery. 'Yong papanain mo 'yong ulo, 'yong tiyan, tapos 'yong ano, 'yong tuhod niya!
"Ano bang ginagawa mo rito at sino ka ba?" tanong niya habang nakatingin sa langit.
Cool na cool siya ngayong nakaupo habang ang mga kamay niya ay nasa loob ng pants na suot niya. Nakatingala siya at nakatingin sa langit. Habang ako ay nasa may bandang harapan niya at nakatayo.
"Nagpapahangin kasi nakita ko 'to. Pake mo ba? At sino ka para mag-explain ako? At tapos, sino ako? Ako lang naman 'yong hinawakan mo sa kamay kanina at inabala tapos iniwan mo! Tapos sasabihin mo kung sino ako?" sigaw ko sa kaniya na may halong pagtataray. Hindi niya ba ako naaalala? Ako 'yong babaeng hinawakan niya nang basta-basta.
"Miss, this is my place to chill. Walang pumupunta rito. Ako lang kaya nagulat ako nang nakita kita ritong nakaupo and it wasn't my intention na gulatin ka at kasalanan ko bang magugulatin ka? And miss, na-wrong person lang ako kanina kaya hinawakan kita at hindi kita naabala for correction, dahil ikaw ang tulala kaya iniwan kita," paliwanag niya habang nakatingin pa rin sa langit. Gano'n pa rin ang posisyon niya.
So, kasalanan ko pa kanina? What the?!
"So, ako ang may kasalanan, gano'n? Is that what you want to imply ha? For your information, hindi ako tulala kanina and you're the one who left me," paliwanag ko with matching taas-kilay at cross arms
Bwisit talaga ang lalaking 'to! Ako pa ang may kasalanan sa pagkakagulat ko. And tulala ako? Duh! I will not be stunned by his looks and presence. Ang presko niya!