ENTRY 7
DEAR DIARY,
Lumipas ang halos tatlong buwan. Graduate na ako diary! Ang bilis noh? Ang bagal kasi mag-update nung Author eh! Dumaan ang NAPAKA BORING na bakasyon at eto na! Hoo! High school na ko! 1st year Junior HS to be exact. Lumipat na nga rin pala ako ng school. Sa Infinity High na ako mag-aaral. Ayoko dun sa Di-ko-alam-kung-anong-school Academy! Boring eh. HAHAHAHA.
Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa tapat ng gate namin. Tss! Sarado naman eh! Pano kaya ako makakapas--- Ayy. Ayun pala sa gilid. Hehehe.
Sa pagpasok ko, syempre nakakapanibago pa. First time ko nga diba? Tapos yung tipong pinagtitinginan ka pa ng mga higher years na madadaanan mo. Tss. Nasan kaya yung classroom ko? Nasa CR? Sa field? Sa Guard house? Sa Canteen?!
(Sana sa Canteen na lang. Para madaming pagkain *U* MWAHAHAHAHAHA!)
Aish! Diet nga pala ako ngayon. Bawal na ko kumaen! Sinimulan ko na nga kanina eh. Hindi ako kumain ng breakfast! HAHA! Tignan ko lang kung hindi ako pumayat :p
O ano Jantzen Lim? Dadaldal ka na lang ba diyan? Sa tingin mo ba lalapit yung classroom mo sayo? Utak naman! Tss! Magtanong ka kaya!
"A-a-a-a-t-t-t-e p-p-p-p-we-d-d-de p-p-po b-b-b-bang-g-g-g m-m-m-ag-t-t-ta-n-n-n-ong-g-g-g? N-n-n-n-na-s-s-s-s-s-a------------" (Ate pwede po bang magtanong? Nasa---)
"O ano? Mauutal ka na lang ba diyan at hindi magtatanong? Sa tingin mo ba naiintindihan kita? Dila naman!" sabi nung babae sabay walkout w/ flip pa ng buhok. Tss! Sorry naman! Eh sa nahihiya ako eh!
Sa huli, napag-isipan ko na lang na bumalik sa Guard House. Magtatanong na lang ako dun sa guard! Tss!
Kaso pagtalikod ko para sana bumalik sa dinaanan ko kanina, bigla na lang may tumama sakin.
"AHHHHHH!" iskandalosang sigaw ko at napaupo sa semento. Ang sakit nun ha!
"Putek! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo! Tanga-tanga naman eh!" sigaw nung babae sabay pagpag sa palda niya. Napaupo rin ata siya eh? Nag-bounce? XD
"S-sorry!" sabi ko sabay yuko. Feeling ko naging Japanese ako eh, O kaya Korean. Tss. Eh Chinese ako ah? Anyareh?
"Oo na! Tsupi! Baka ma-late pa 'ko sayo eh! Tss! Sa susunod iwasan maging tanga, okay?!" sabi nung babae tsaka umalis. Tss. Ang sunget. Parang kasing sungit ni Amazon---
T-teka.. Si Amazonang babae? Dito din siya mag-aaral?!
Freshmen Student,
JaNTzEn_06.
BINABASA MO ANG
DIARY NG BABOY [Finished]
Teen FictionMeet JANTZEN LIM. Cute pero MATABA -este MEDYO MATABA. Medyo lang ha! Para siyang baboy. Wala siyang mga kaibigan. Infact, lagi siyang binubully ng dalawa niyang classmate na sina John at Jojo. One day, habang umuulan nun, nakilala niya ang isang ba...
![DIARY NG BABOY [Finished]](https://img.wattpad.com/cover/12386770-64-k287201.jpg)