ENTRY 12

572 6 7
                                    

ENTRY 12

 

 

DEAR DIARY,

Si Nicolle..

"J-jantzen, Tulungan mo k-ko.."

Nakahiga siya sa sahig, hawak hawak yung tiyan niya. Bakas sa mukha niya ang panghihina. Anong ginawa nila sa kanya?! Sinaktan nila si NIcolle?!

"Nicolle! Ayos ka lang ba? Anong ginawa nila sayo?!" Tss, tanga mo Jantzen. Malamang hindi siya ok!!

"A-ayos lang ako.." LIAR. "Umalis ka na Jantzen.. B-baka saktan ka rin nila.. Iligtas mo yung sarili mo. Pabayaan mo na ako.."

"Baka saktan ka RIN nila? Sinaktan ka nila?! Tss! Hindi kita iiwan dito. Kaya nga ako sumugod dito diba? Para iligtas ka. Hindi kita pababayaan kaya hayaan mo ko, AB.."

"Tss, hindi nga sabi ako si AB..."

*Clap Clap Clap!*

"Wow! May libreng sine sa harap natin!"

"Oo nga! At drama pa ha?! Hanep! Popcorn na lang ang kulang!"

"Naiiyak ako! Nakaka-touch! Ajujujujuju!"

"Kuya! Umalis ka na daw kasi! Baka saktan ka daw nila! Dali! Tumakas ka na! Hangga't may oras pa!"

Bigla naman silang pinaghahampas lahat ng kung sino man yun gamit ang.. Dyaryo? May dyaryo ba siyang hawak kanina? Wala naman ah? Tss. Ito ata yung boss nila.

Pero teka nga! Ano daw?! Libreng sine?! Popcorn?! Pinapaalis na ako?! At pumalakpak pa sila ha! Mga abnormal na holdapers!

"Mga bobo! Anong drama ang mga pinagsasasabi niyo? Mga bakla ba kayo?! Umayos nga kayo! Lalo ka na! Balak mo pa siyang patakasin ha?! 'Baka saktan ka nila'? Kayo yun! Kayo ang mananakit sa kanila kung kinakailangan! Bobo ka talaga! Bobo!" at konti pang hampas sa huling nagsalita kanina. Tss.

"Sorry boss! Eh sa na-touch kami eh? Ikaw ba? Hindi ka man lang ba natouch, boss?"

"Touch niyo mukha niyo! Mga bugok!" sabi nung boss nila? "Ikaw!" turo sa akin, "At sumali ka pa talaga ha? Hala sige! Kapkapan yang baboy na yan! Nang makaalis na tayo! TSSSKKK!!" Baboy? Ako?! TSS!

DIARY NG BABOY [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon