MESSAGE #1

325 4 0
                                    

Message#1

 

 

Time: Same day (Entry 20), Evening around 10 o’clock

 

---------------------------------------------------

TO: Christine Sunget;

Good Evening :)

---------------------------------------------------

FROM: Christine Sunget;

Uhh, hello. May itatanong ako sayo.

 ---------------------------------------------------

TO: Christine Sunget;

 Ano? :)

 ---------------------------------------------------

FROM: Christine Sunget;

Ano ba full name mo?

---------------------------------------------------

TO: Christine Sunget;

Zen *Contreras. Bakit? :)

---------------------------------------------------

FROM: Christine Sunget;

Ah, wala…

Pwede ba kong magsabi sayo ng mga problema ko? Gulong-gulo na kasi ako. Wala akong ibang mapagsabihan :(

---------------------------------------------------

TO: Christine Sunget;

Shoot, Ano ba yun? Makikinig ako. Este, magbabasa –ewan!

---------------------------------------------------

[10:54 pm]

FROM: Christine Sunget;

Thankyou :)

Di ko alam kung dapat ko ba tong sabihin sayo… Pagpasensyahan mo na kung magda-drama ako sayo ngayon ha? Gusto ko lang kasi talagang ilabas tong nararamdaman ko…

5 months na since nagbreak kami ng boyfriend ko pero hanggang ngayon, ang sakit sakit pa rin. Syempre, halos 7 years din kami. Mahal na mahal namin ang isa’t-isa. Akala ko nga kami na magkakatuluyan e. Kaso siguro nga wala talagang forever. Nung ikatlong taon na namin, nagkaroon ng problema. Ganun naman ata talaga, kasi diyan masusukat kung gaano niyo kamahal ang isa’t isa. Hindi niya ko iniwan, at dun ko lalong napatunayan na mahal niya talaga ako. Araw-araw pinapadama niya sakin kung gaano ako ka espesyal sa kanya. Chocolates, flowers, teddy bears, halos mapuno na nga ang kwarto ko sa sobrang dami niyang binibigay na regalo e. Pero nitong taon lang, napapansin ko nang hindi na ako masyadong hinahatid pauwi ng boyfriend ko. Kahit nga lunch hindi na kami gaanong nagkakasama e. Hindi ko na lang pinansin kasi syempre, 4th year na kami e, medyo busy dahil malapit na kaming grumaduate. Tsaka baka may iba lang siyang ginagawa. Hanggang isang araw, sa may locker room, wala na gaanong tao nun dahil puro mga nagsiuwian na ang lahat. May nakita akong dalawang anino na naghahalikan. Yung boyfriend ko, at yung kaibigan ko. Ang sakit sakit! Sobra. Ang dami-dami na ngang problema, dumagdag pa to. AT SA KAIBIGAN KO PA TALAGA! Hinarap ko siya nun, at alam mo ba kung anong sinabi niya? Pagod na pagod na raw siya. Eh ako ba, sa tingin niya hindi napapagod?! Umiyak ako sa harap niya, sa harap ng kaibigan ko. Kahit di namin sabihin, alam kong tapos na kami. Wala na. Pagod na raw siya, di na niya ako mahal.

Nitong linggo lang, iyak nanaman ako ng iyak, kaya inaya ako ng mga kaibigan ko mamasyal. Habang namamasyal, nakita ko yung bestfriend ko. Ang tagal na nung huli kaming nagkita. At alam mo ba? Ang gwapo gwapo na niya. Matangkad, astig pumorma, at mas gumanda ang singkit niyang mga mata. Pero kahit nagbago ang itsura niya, siya pa rin yung bestfriend ko. Pisikal lang ang nagbago. Nung binanggit niya ang pangalan ko, may kakaiba akong naramdaman. Di ko ma-explain! Para akong natatae na ewan. (Sorry sa words!) Tapos nung sinabi niyang may nagugustuhan na siyang iba, parang may kumirot sa dibdib ko. Nagseselos kaya ako? Bakit? Bakit ako nagseselos? Gusto ko ba siya? Anong gagawin ko? Eh hindi pa ko nakaka-get over sa Ex ko! Feeling ko di ko kayang magmahal ulit. Lalo na’t BAWAL. DI PWEDE. Reply ka Zen!

 

---------------------------------------------------

[11:36 pm]

FROM: Christine Sunget;

Uy? Zen!

---------------------------------------------------

[12:01 am]

FROM: Christine Sunget;

Uyyyy, 20 minutes na ang nakakalipas, di ka pa rin nagtetext! Ang haba naman ng reply mo?

---------------------------------------------------

[12:03 am]

FROM: Christine Sunget;

Masyado ka bang nainip? Sorry, ang haba kasi e.

---------------------------------------------------

[12:07 am]

FROM: Christine Sunget;

Nakatulog ka na ata. Kainis ka. Tulog nako… Good Mornight :(

---------------------------------------------------

[6:10 am]

TO: Christine Sunget;

Ow! Sorry! Nakatulog ako! Usap tayo mamaya. Ingat sa pagpasok! :D

Sorry talaga!

 

DIARY NG BABOY [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon