ENTRY 2

361 1 0
                                    

ENTRY 2

 

 

Dear Diary,

 

 

Hi, it’s me Justine...

Naiiyak ako! Huhuhu. Kanina pa ‘to e. Tuluyan nang nasakop ni Jantzen ang utak ko! Hindi na nga ako gaanong nakatulog kagabi dahil sa sobrang daming tanong na nasa isip ko, e. Tapos may dadagdag pa. Nahalata mo naman sa unang entry ko, diba? Gusto ko na lang matapos ang lahat!

Ano nga bang nangyari? Kaninang umaga kasi, kinatok ako ni Mommy sa kwarto ko dahil may gusto daw kumausap sa akin sa telepono. Grabe nga e, apat na oras lang ang tulog ko! Alas-sais na kasi ako nakatulog. Nakinig lang ako ng mga kanta ng 5sos hanggang sa makatulog ako. May padabog-dabog pa akong nalalaman kanina habang bumabangon sa kama. Ngayong naiisip ko tuloy ang ginawa ko, gusto ko na lang kainin ng carpet, e.

Si Irish ang tumatawag. Nang itapat ko nga ang telepono sa tenga ko nagising agad ako. Naririnig ko kasing mahina siyang kumakanta ng “Chandelier”. Nang pagtawanan ko, akala ko magagalit siya sa’kin pero mabuti na lang hindi. Medyo garalgal pa ‘yung boses niya at parang maiiyak ang boses. Ibinalita niya sa akin na nasa Hospital daw si Jantzen.

Nahimatay daw kaninang umaga si Jantzen. Dinala daw siya sa Hospital ng Mama niya at tinawagan silang mga kaibigan ni Jantzen. Nasa emergency room pa nga siya e. Hindi na daw sila lahat mapakali doon kaya tinawagan na rin niya ako para idamay ako –joke, tinawagan niya daw ako dahil syempre, may karapatan pa rin akong malaman ang nangyari kay Jantzen. Bestfriend niya ako, yeah. Sorry nga siya ng sorry sa akin, e. Baka daw kasi lalo akong magkasakit dahil sa nalaman ko. Na mukhang magkakatotoo dahil ngayon pa lang, sumasakit na ang ulo ko. Ahehe, joke lang ulit. Feeling ko lang sumasakit siya dahil ang daming gumugulo sa isip ko.

Nasa Hospital si Jantzen...

Kahit bangag, nagpasama ako kay Mama sa Hospital kung nasaan si Jantzen. Mabuti na lang ibinigay sakin ni Irish ang pangalan ng Hospital at kung paano makakapunta doon.

Pagkarating ko doon, nakita ko ang Ate ni Jantzen sa labas ng kwarto niya na may kausap sa cellphone. Halata mong namamaga ang mga mata dahil sa kakaiyak. Nakita niya kami ni Mama at sinenyasan na pumasok. Nakita ko rin si Tita na Mama ni Jantzen na nakaupo habang maluha-luha at tulala. Agad din naman siyang tinabihan ni Mama upang yakapin. Close sila, I know. Magka-batch pala sila Tita at Mama noong High School kaya magkakilala na sila hanggang sa malaman nilang magbestfriend kami ni Jantzen kaya naging close na sila. Hays. Sa gilid ay nakita ko naman sila John at Jojo na mga nakatingin sa malayo, habang si Irish ay nag –teka, nagseselfie? Hay nako. Parang kanina lang kumakanta siya ng Chandelier at mangiyak-ngiyak ang boses sa telepono tapos ngayon... Nagse-selfie naman.

Nang makita ako ni Irish, agad niyang tinago ang cellphone niya saka ako nginitian at nilapitan. Sinamahan niya ako sa loob at doon ay nadatnan ko ang nakahiga at natutulog na Jantzen. Nang makalapit ako sa kanya ay biglang may namuong mga tubig sa mata ko na naging dahilan ng paglabo ng paningin ko.

Napaka raming nakakabit sa katawan ni Jantzen. Napaka putla ng balat niya at may nakikita rin akong mga pasa sa braso niya at binti, pumayat din siya ng bahagya.

Unti-unti na silang bumagsak sa mata ko kasabay ang mahina kong mga paghagulgol. Tinakpan ko ang bibig ko habang pilit na iniiwas ang tingin kay Jantzen.

Hindi ko maiwasang hindi masaktan sa nakikita ko. Bumibigat na rin ang bawat paghinga ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Medyo naninikip na rin ang dibdib ko at hindi maiwasang mapapikit. Pakiramdam ko nabaliktad ang sitwasyon. Noon ako ang nakahiga sa kama sa Hospital samantalang ngayon ay si Jantzen naman. Ganito rin kaya ang naramdaman ni Jantzen nang dalawin niya ako isang araw sa Hospital? Mas malala o parehas lang? Ang sakit pala. Kaya siguro ako pinilit noon ni Jantzen na magpa-therapy muli. Masakit pala talagang makita ang isang taong napaka lapit sa’yo na nakahiga sa isang Hospital Bed. Kung ako siguro iyon, malamang ay pipilitin ko rin siya kahit pa hindi sabihin ni Tita.

Nakwento kasi sa’kin ni Mama noon na dinalaw ako ni Jantzen ngunit hindi ko raw siya maalala kaya hindi rin niya ako nakausap ng matino at pinagpahinga ni Mama. Sinabi lang iyon sa akin ni Mama nang makalabas na ako sa Hospital at nakahiga na sa kama ko sa bahay. Nang marealize ko ang pinag-gagagawa ko, natural nahiya ako. Nakakahiya, nadatnan niya pa akong halos hindi makalakad at hindi makaalala ng mga taong kakilala ko. Hiniling ko pa noon na sana lamunin ako ng Door Mat. Ahehe. Sinabi rin sa’kin ni Mama na umiyak daw si Jantzen. Na-imagine ko tuloy ang mukha ni Jantzen.

Namumulang mata, gulo-gulong buhok, malaking eyebags, tapos naka-pout na lips habang umiiyak at nakatingin sa akin. Ang kyot! Bakit kasi tulog ako ng mga panahong iyon, e. –Pfft, Hahahaha! Napangiti tuloy ako ng may ma-realize ako. Jantzen Lim? Iniyakan si Justine? Ang swerte ko naman. Pero magpasalamat din siya, ‘no! Justine? Iniyakan si Jantzen Lim? Ha ha, gagaling siya, makikita niyo.

Narinig kong tinawag ni Jojo si Irish upang makabili daw ng makakain ng lahat. Nagpaalam sa akin si Irish na iiwan niya daw muna ako sa loob at babalik din siya agad. I doubt it, noong nakaraan kasi na iniwan nila kaming dalawa ni Jantzen, hindi na sila bumalik. Hinintay-hintay pa sila ni Jantzen makabalik galing sa Canteen tapos biglang nalaman na lang namin na nakauwi na pala sila. Kung hindi pa tumawag si John!

Tinignan ko ulit si Jantzen. Di ko na alam kung ano ang nangyayari. May sakit ba si Jantzen, diary? Alam mo ba kung bakit? Binasa ulit kita kanina pero wala naman akong nabasa na sinabi niyang may sakit siya. Pero dun sa pinaka huli niyang entry, doon ako napaisip. Iyon ba ‘yun? Sa bawat salita kasing nakasulat doon tulad ng “Bumubuti na ang lagay niya... Habang ako lumalala na. Lumalala na ang pagmamahal ko sa kanya! Hahahahah! Huwag high blood!” at “Bakit ko nga ba sinabing ‘Lalaban tayo pareho’? Lalaban kasi ako sa boxing kaya ganito! Hahahaha!”, parang may mga meaning. Kaya ba siya laging naka-jacket lately at namumutla dahil may tinatago siya? Ibig sabihin maaaring matagal na niya itong alam? Sagutin mo ko! Gulung-gulo nako…

Me,

Justine Nosurname.

DIARY NG BABOY [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon