ENTRY 19

540 6 0
                                    

HAHA! 5K READS!!!!! WHOOOO!!!! THANK YOU GUYS!!!!! ILOVEYOUALL!!!! <3

-

ENTRY 19

 

Dear Diary,

Si Justine…

Bakit ganun? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang makita ko siya. Minahal ko talaga siya, no? Ni hindi bumilis ng ganito yung puso ko sa dinami-dami ng babaeng naka-date ko. Sabi ko nga sa inyo diba? Laro lang para sa akin ang lahat. Pero bakit kay Justine, ilang taon na kaming di nagkakausap pero eto, tumitibok pa rin siya?

"J-justine? Ikaw ba yan?"

"J-jantzen!" Niyakap niya ako... at niyakap ko din siya. Magaling Jantzen. Dumadamoves ka nanaman. Kunwari cino-comfort mo lang pero ang totoo chuma-chansing ka na. -_-

*Tugdugtugdugtugdugtugdugtugdugtugdugtugdugtugdug*

Muntik na akong atakihin sa puso sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sa iba kong mga girlfriend di naman ganyan yan e! Oo, tumibok din ng kay bilis bilis yung puso ko nang makita ko si Snow lalong-lalo na tuwing nakakasama ko si Nicolle pero kay Justine? Iba talaga e. Siguro dahil mahal ko talaga siya, no? Siguro dahil First love never dies talaga? (Tss. Favorite quote ko na yan ngayon). Si Nicolle kasi sobrang humanga lang ako sa kanya dahil ang tapang-tapang niya samantalang ako, kahit sa mga bully kong mga kaklase di ko mapagtanggol yung sarili ko (Woah. Naaalala ko pa non, pinagtanggol ako ni Justine kila John at Jojo). Tapos yung kay Snow.. Tsk. Nagandahan lang ako. -_-

"Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? Dahil ba sakin? Sorry kung muntik na kitang masagasaan. Di ko naman sinasadya e." Sorry lang ako ng sorry sa kanya nun habang siya naman iyak nang iyak. Tinulungan ko na ding tumayo si Justine at dinala sa may pahabang upuan sa gilid. Mukha kasing masyado nang naaaliw yung mga napapadaang sasakyan sa amin e. Akala ata may shooting kasi ang gwapo ko daw. Mukhang artistahin eh. (~~,) Mabuti na lang wala gaanong dumadaan dito kundi baka kanina pa kami nasermonan dahil sa sobrang tagal naming nakatambay sa gitna ng kalsada. Wahaha!

Nang medyo kumalma na si Justine, humingi ulit ako ng tawad sa kanya kaso pinutol niya yung sasabihin ko tsaka sinabing, "A-ano ka ba! Wala kang kasalanan kung bakit ako umiiyak. Nag-away kasi sila Mama't Papa. Pero wag ka nang mag-alala, a-ayos na 'ko. Nandiyan ka na e!" Nung oras na yon, hindi ko mapigilang hindi kiligin. Ikaw ba naman sabihan niyan ng taong mahal mo e? Ganito siguro ang feeling ng mga binobola kong babae, no?

Nakakabading ma-inlove!

"Mabuti na lang matindi kapit ng brake ko, kundi! Hahaha!" Natawa naman kami pareho at nagpasalamat si Justine sa brake ng sasakyan ko.. Pero halata mo namang nasasaktan pa rin siya e. Bakit kaya? "Siguro, may balak kang magpakamatay kanina no?" tanong ko naman sa kanya.

DIARY NG BABOY [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon