ENTRY 23

322 3 0
                                    

ENTRY 23

 

 

Dear Diary,

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko lalabas na siya sa bibig ko sa sobrang lakas ng pagtibok e! Yung tiyan ko parang umiikot. Para akong sumakay sa rides sa Amusement Park tapos dumiretso paibaba ang bagsak. Yung tenga ko nag-iinit. Tapos yung pisngi ko feeling ko kasing pula na ng lipstick ni Mama at yung mata ko halos lumuwa sa sobrang gulat.

Diary,

Siya nga si Justine.

Sa sobrang pagod siguro ay kusa na lang tumiklop ang mga mata ko at nakatulog. Tanghali na nang magising ako at agad-agad na naghanda para pumasok. Nasabihan pa ko ni Mama na para daw akong bangag na naglalakad pababa ng hagdanan. Nginitian ko na lang siya at dumiretso na para pumasok.

Pagkarating ko sa Campus, agad akong tumungo sa klase namin. Kaklase ko si John kaya magiging madali lang sakin ang tanungin siya tungkol kay Christine. Kaso mukhang gusto muna akong badtrip-in ni tadhana dahil absent si John (Insert Poker Face here). Tinext ko naman si Jojo at sinabi niyang may sakit daw si John kaya hindi makakapasok. Wtf.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko, agad akong lumipad gamit ang kotse ko sa bahay nila John at natagpuan siyang nakahilata sa kama niya sa kwarto. Dahil magkaibigan kami, binato ko muna siya ng unan tsaka siya binati. Hahahaha!

Tinanong ko kay John kung si Justine nga si Christine, at kung ano ang sinabi niya? Oo. Mabuti na lang at di na niya piniling magsinungaling. Sa oras na narinig ko ang gusto kong marinig sa kanya, ayun na nga. Ang OA ng reaksyon ko. Akala mo hindi ko ineexpect yung sasabihin niya sa sobrang laki ng mata at may pasabunot-sabunot pa ko ng buhok. Yung singkit kong mata naging bilugan! Tapos kung anu-ano na yung nararamdaman ko at ang bilis bilis na ng tibok ng puso ko. Pinagtapat niya na kaya daw niya binigay sakin yung number ni Justine ay dahil gusto lang niyang maibalik ang dati –ang dati daw naming pagkakaibigan at ang dating ako. Si John naman ay umiling-iling lang sa reaksyon ko dahil ang OA ko daw. Tsk!

Gamit muli ang aking sports car, lumipad na ako sa bahay ni Justine. Oo, nakapagdesisyon na ako. Letter A ang napili ko. Pupuntahan ko siya sa bahay at aaminin ang feelings. Hindi na ako makapag-isip ng tama at ang tanging gusto ko na lang ngayon ay ang makita si Justine –ang bestfriend at ang mahal ko.

Pagkarating ko sa bahay nila Justine, agad akong bumaba tsaka kumatok sa gate nila. Tawag ako ng tawag sa pangalan ni Justine at ilang beses na din akong nag doorbell pero walang lumalabas. Sinilip ko ang bahay nila at nakitang walang ilaw na nakabukas, mukhang walang tao.

“Sinong hinahanap mo?” biglang sumulpot ang isang babae sa tabi ko. May hawak siyang baby sa braso niya at mukhang mga nasa thirty pa lang.

“Si Justine po,  nandito po ba siya?” sagot ko sa babae.

“May nakikita ka ba iho? Wala naman diba? Ibig sabihin wala siya diyan. Kita mong saradong-sarado ang bahay e.” sabi ni Ate na parang pinapamukha sakin ang obvious. Tsk.

“Alam niyo po ba kung saan siya nagpunta?” tanong ko, hindi ko na lang pinahalata na medyo naiinis ako.

“Diyan ba ako nakatira para malaman ko? Tsaka hindi naman niya ako sekretarya para malaman ang schedule niya at alamin kung saan siya nagpupunta.” Pagtataray ni Ate. Putek, pwede naman niyang sabihin na hindi niya alam diba?!

May sumulpot namang matandang babae sa gilid ko tsaka hinawakan yung mataray na ate sa balikat, “Ano ka ba naman Neng! Nagtataray ka nanaman. Bakit ba hanggang ngayon di mo pa rin matanggap na iniwan ka na ng asawa mo?” bigla na lang napahagulgol yung mataray na ate marahil siguro nasasaktan sa problema, “Nako kuyang pogi, pagpasensyahan mo na itong si Neng ha? Masyado kasing bitter e. Ano nga palang sadya mo dito?” ngiting-ngiting sabi nung matanda.

“Uh, si Justine po. Nandito po ba---“

“Ay si Justine?” putol sakin ng matanda, “Wala sila diyan! Kanina nakita kong sinugod siya sa Hospital ng mga magulang niya e. Inatake nanaman ata.”

“Po?” gulat na sabi ko. Bakit siya sinugod sa Hospital? Inatake? Ng ano? May sakit ka ba talaga, ha Justine? “Saan pong hospital siya sinugod?”

“Nako iho, hindi ko alam e.” Naalala ko bigla yung dating Hospital kung saan nakita ko siya at yung Mama niya palabas. Baka nandun siya…

“Mukhang alam ko na po kung nasaan siya. SIge po Ate, aalis na po ako.”

Sana umabot pa ako.

Like a boss,

LiL_Mh4LdhitOhh Bv3Ent3Hh uNoU.

--

Watda. Seryoso po, hindi ko alam kung paano at kailan siya nakapagsusulat sa diary niya. HAHAHAHAHA XD Kunyari na lang nagsusulat siya habang nagd-drive O_O Omo.

Bytheway, thank you nga po pala sa mga nag-add nito sa Reading List nila! :D Paramdam naman kayo! <3

DIARY NG BABOY [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon