ENTRY 20

541 6 0
                                    

ENTRY 20

DEAR DIARY,

The next day,

"Oy John! Sino nga kasi yung chixx na sinasabi mo?" pangungulit ko kay John. Baliw kasi 'tong lalaking 'to e! May pa-secret secret pang nalalaman! Eh mukha namang matino yung Christine. Pa-english english pa nga. Parang hindi naman naghahabol sa ka-gwapuhan ko. EHEM. (Mukha nga, sunget e. Tsaka di pa naman ako nakikita nun. HAHAHAHA!)

"Basta nga. Ang kulit mo! Edi makipagkita ka na lang kung gusto mong malaman!" sagot naman niya habang busy sa pagbabasa. Papunta na kasi kami sa mga next class namin. May test kasi kami ngayon sa Math. Eh hindi nagre-review. Tsk. Kaklase ko pala si John dito. Same course pala kami? Ngayon ko lang naalala. Hahaha!

"Eh ano ba pangalan nung babae, ha Zenny?" tanong ni Irish. Zenny tawag niya sakin e. Malay ko. Muntanga. Haha. (JantZEN-ny)

"Christine daw,"

"PFFT!" Halos mabuga naman ni John yung iniinom niya pagkatapos kong sabihin yung pangalan ni Christine. Teka, saan galing yung iniinom niya?! "Ano?! Christine daw pangalan niya?!" gulat na gulat na sabi ni John sakin habang pinanlalakihan pa 'ko ng mata.

"Oo, bakit? May mali ba dun?"

"Uh, wala naman. Akala ko kasi Tintin yung pangalan niya e. *Anlayo naman ng Christine sa asdfghjkl*" bulong naman niya.

"Ano? Malayo saan?" singit ni Jojo.

"Ah e, wala! Tara na nga Jojo. Male-late na tayo sa next class natin! Di nako nakapag-review sa ingay niyo!" sabi ni Jojo at nagmamadaling dinala sa next class NAMIN.

"Ugok! Di tayo magkaklase sa Calculus! Ayun si Jantzen o! Yun ang haltakin mo!" sabi ni Jojo tsaka tinanggal yung pagkakaakbay sa kanya ni John at hinablot ang kamay ni Irish. "Tara na! Male-late na tayoooooo!" tumakbo na sila habang hawak hawak pa ni Jojo yung kamay ni Irish. Tsk, dumadamoves ang loko a.

"G-ago yun a. OY! ANDAYA MO JOJO! WALANG HOLDING HANDS!"

-

Find the asdfghhngcusgvbfkvghsjhcnufsuhfuhnrffhhei

Putek. Ano to? Tsk. Wala man lang bang choices? At show your solution pa!? Tsk!

DIARY NG BABOY [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon