ENTRY 8 (PART 1)
DEAR DIARY,
Grabe! Si Amazonang babae nga! Hindi nga ako nagkakamali! Siya nga! YES! Pareho kami ng school! :D
Hinabol ko naman nun si Amazonang Babae at ewan ko ba kung bakit ko siya biglang niyakap.
"Yes! Nakita ulit kita!"
"AISH! MANYAK!!!!" sabi niya at tinulak ako ng napakalakas. Natumba nanaman ako T^T
"U-uy! A-ako 'to! Yung babo--- este yung balyenang niligtas mo dati? Y-yung umuulan pa nga? Hehe?" kumunot naman ang noo niya nun tsaka siya biglang nagsalita.
"AHH! Yung tangang balyenang nakahiga sa kalsada nun!? Yung nag-cutting pa ng---asdfghjkl!!!!" tinakpan ko naman nun yung bibig niya sa sobrang kahihiyan. Isigaw daw ba?!
"SHH! Huwag ka namang maingay! Alam ko naman yung mga ginawa ko kaya 'wag mo nang ipagkala--- AHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!" sabi ko habang nakatakip yung kamay ko sa bibig niya kaso bigla na lang niya 'kong kinagat. ARGH! Ang saket!
"Argh! Amazona ka talaga! Ang sakit ha!"
"Tss! Ikaw kasi eh! Gusto mo ba akong mamatay?! Hindi ako makahinga!" sabi ni Amazonang babae. Syempre hindi! Hindi pa nga kami magkaibigan eh!
"Eh ako ata papatayin mo eh! Ang sakit kaya! Baka mamaya may virus ka pala ha!? Ma-ulol ako niyan!"
"Lolo mo! Ano ako?! Aso?! Tss! Magtigil ka nga!"
"Aba! Magtigil ka ri---" natahimik naman ako bigla nang maramdaman kong ang kaninang parang palengke ay biglang natahimik.
*Kru~ Kru~"
Silence.
Nang libutin ko ang mata ko sa paligid, halos mapayuko naman ako sa sobrang hiya. Lahat ba naman nakatingin samin eh? Tila mga nababaliwan? O////////O
"S-sorry! ^^V" sabi ni Amazong babae habang naka-peace sign tsaka ako hinaltak palayo.
BINABASA MO ANG
DIARY NG BABOY [Finished]
Teen FictionMeet JANTZEN LIM. Cute pero MATABA -este MEDYO MATABA. Medyo lang ha! Para siyang baboy. Wala siyang mga kaibigan. Infact, lagi siyang binubully ng dalawa niyang classmate na sina John at Jojo. One day, habang umuulan nun, nakilala niya ang isang ba...