ENTRY 2

2K 21 5
  • Dedicated kay Joyce Alejo
                                    

ENTRY 2

DEAR DIARY,

Ngayon lang ako naging ganito kasaya. Kanina, pagkapasok ko sa classroom namin, lumapit agad siya sakin at binati ako ng "good morning Jantzen!" Nginitian ko siya, sobrang nakakahawa ng ngiti niya. Di ko na pinansin 'yung tingin ng mga kaklase ko sa akin.

Lagi kaming magkasama. Nagulat ako nang tinabihan niya ako sa upuan. Ang dami niyang kwento sa akin, tungkol sa paborito niyang ulam na kinain kagabi, kung pano siya nadulas sa banyo nila, at kung ano-ano pa. Sabay din kaming nag recess at lunch.

Grabe! Habang lumilipas ang mga araw, paganda siya ng paganda. Ang medyo singkit na bilugan niyang mga mata, parang kumikislap lagi lalo na pag tinititigan siya. Ganun pala 'yung feeling kapag may kaibigan ka no? Ang sarap sa pakiramdam. Saka lalo na kapag crush mo 'yung kaibigan mong 'yon.

Kaso, syempre hindi palalagpasin ng mga kaklase ko na i-bully ako ngayong araw.

"Jantzen, hanep ng mga galawan mo ha. Type mo si Justine, no?" natatawang sabi ni John ng makita niyang magkausap kami ni Justine. Wala kasi 'yung teacher namin sa TLE kaya malaya siyang nakakapag-ingay ngayon. Isa siya sa pasimuno ng pambu-bully sakin.

"Nako, huwag ka ng umasa na magugustuhan ka ni Justine. Dahil bukod sa hindi ka niya type, ayaw niyang mapagkamalan na may kasamang balyena!" dagdag naman ni Jojo, isa din sa pasimuno sa pambu-bully sakin. Remember? Yung dalawang ugok. Wala talagang magawang matino 'tong dalawang 'to e.

"Ay pre, kawawa si Justine kapag nadaganan ni Jantzen! Siguradong mapipipi!" tawa sila nang tawa. Parang mga baliw.

Kung ano-ano pa ang pinagsasabi nila na hindi ko na gaanong natandaan dahil pulang-pula na 'yung buong mukha ko. Ayos lang sana kung ako lang 'yung pinagkakatuwaan nila kaso nadadamay si Justine e.

Nagulat ako nang tumayo si Justine. "Pwede ba? Matagal na akong nagtitimping pagsi-sipain kayong dalawa e! Tigilan niyo na nga si Jantzen! Gusto niyo bang isumbong ko kayo kay Ma'am?!"

"Tch. Magaling pumili ng bodyguard ang pare natin," sabi ni Jojo.

"Oo nga. Tara na nga! Baka mahawa pa tayo ng katabaan ni Jantzen!" ngumisi naman nun si John at Jojo bago sila bumalik sa mga upuan nila.

Naiinis na bumalik sa pagkakaupo si Justine at pinagpatuloy ang ginagawa niya kanina. Nakakahiya. "Salamat." nakangiting sinabi ko.

Nginitian niya rin ako. Sobrang tamis na hindi ko namalayang may balak pala siyang pingutin ang tenga ko. "Kailan ka ba matututong ipagtanggol ang sarili mo?! Pumapayag kang ganun-ganunin ka lang nila? Kung okay lang sayo 'yon, pwes sakin hindi!" para siyang mama ko habang pinapagalitan ako. Gusto kong matawa sa itsura niya non e. Nakakatuwa siya magalit. Hindi mo na makikita 'yung maamo niyang mukha ngayon. Kulang na lang umusok 'yung butas ng ilong niya.

"Wala namang problema sakin kung inisin din nila ako pero ang hindi ko matanggap, e kung paanong hinahayaan mo lang silang lait-laitin ka porket mas payat sila kaysa sayo. Tao ka rin naman! Kaya mahalin mo 'yung sarili mo. Matuto kang lumaban mag-isa! Para kahit wala ako, maipagtatanggol mo ang sarili mo!"

"Bakit? Ayaw mo na ba akong maging kaibigan?"

Binatukan niya ako. "Sira ka ba? Pagkatapos kitang ipagtanggol kanina, sasabihin mong ayaw kitang maging kaibigan?! Seryoso ako nang sinabi kong gusto kitang maging kaibigan!"

Nasaktan ako sa pagpingot niya sa tenga ko at sa pagbatok niya pero hindi ko maiwasang kiligin.

"Hoy, huwag ka ngang ngumiti ngiti diyan. Sige ka, di kita ililibre ng ice cream mamaya." nakangiti pa rin ako.

Sabay kaming umuwi. Sobrang nagpapasalamat talaga ako sa kaniya kaya ako na 'yung nanlibre ng ice cream. Hindi na siya nagdalawang isip at sinabi pang ayos din daw pala kapag nabubully, nanlilibre ng ice cream.

O siya. Natapos ko ng gawin 'yung mga assignments ko at inaantok na rin ako. Goodnight!!!!!!!

Crush si Bestfriend,

JANTZEN LIM :)

DIARY NG BABOY [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon