[Play “Breathe” by Taylor Swift by clicking the external link. Thank you for reading!!! <3]
ENTRY 5 (Last Entry)
May mga bagay na hindi mo inaasahang darating.
May mga bagay na hindi mo inaasahang aalis.
Isa lang naman akong ordinaryong estudyante noon, tahimik ang buhay, walang ibang iniintindi kundi ang pag-aaral. Grade 6 nang lumipat ako sa Di-ko-alam-kung-anong-school Academy. Wala pa ako gaanong kaibigan noon pero meron namang mangilan-ngilan. Isang araw napansin ko ang isa kong kaklase, mataba siya, singkit ang mga mata at mas matangkad sa akin ng kaunti. Nandoon lang siya sa sulok ng silid, tahimik at walang kausap. Busy siya sa pagkopya ng mga activities na nasa black board. Itinanong ko pa nga sa katabi ko kung anong pangalan niya. Jantzen, siya si Jantzen Lim. Tinukso pa ako ng katabi ko kay Jantzen noon. Siguro daw ay gusto ko siya kaya ko tinanong ang pangalan niya. Malisyosa talaga.
Ilang beses ko siyang sinubukang lapitan o kausapin kapag may mga group activities pero siya itong napaka ilap. Ayaw niyang magsalita, napaka tahimik. Susuko na dapat ako ngunit pinagtagpo kami ng tadhana.
Umuulan ng hapong iyon, nakita ko sa malayo na kinukuha nila John at Jojo ang payong ni Jantzen. Gusto ko sana silang lapitan ngunit wala akong lakas ng loob na ipagtanggol siya sa mga bully kong kaklase. Ano ba naman kasi ang panama ko sa kanila? Babae ako, lalaki sila, dalawa pa.
Kitang-kita ko kung paano lamigin noon si Jantzen. Hindi ko alam ang gagawin. Isa lang kasi ang dala kong payong.
Tama, alam ko na.
“Jantzen?”
Sambit ko. Nilalamig man ay lumingon siya sa akin at nauutal akong sinagot. Nagulat pa nga ako dahil kilala niya ako, binanggit niya ang pangalan ko. Simula ng araw na iyon na sumilong kami sa iisang payong, naging mag-bestfriend kami. Nagkalakas na ako ng loob na ipagtanggol siya sa mga kaklase kong nambubully sa kanya. Tapos nagkaroon ako ng boyfriend, which is Patrick, na naging dahilan upang lumayo si Jantzen sa akin. Wala akong kaide-ideya kung bakit niya ako nilayuan noon. Pero ngayon, mukhang alam ko na.
My s-hit story,
I met you,
I fell in love,
You left,
I’m broken.
Isang taon na ang nakakalipas
nang mang-iwan si Jantzen Lim.
Anniversary ngayon ng kanyang kamatayan.
January 24, 2015.
Binisita ko ang puntod ni Jantzen. Lumuhod ako upang ipatong ang mga binili kong bulaklak. Nagsindi rin ako ng mga kandila, kulay bughaw, paborito niyang kulay. Napansin ko na mayroon pang maliit na nakasinding kandila, malapit na itong matunaw, mayroon ding napaka raming bakas ng mga natunaw na kandila, mga bakas ng mga dumalaw sa kanya kaninang umaga.
“Ang daya-daya mo Jantzen,” sinuntok ko pa ng mahina ang lapida niya. Sumakit ang kamao ko pero hindi nito mapapantayan ang sakit na nararamdaman ng puso ko, “‘Yung donut ko, hindi mo pa binibigay. Sabi mo araw-araw mo akong bibigyan pero hindi mo tinupad. Pati ‘yung pangako mo, sabi mo hindi mo ko iiwan. Nakakainis ka.” Sambit ko habang pinagmamasdan ang pangalang nakasulat doon. Pangalan ng taong naging mahalaga sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
DIARY NG BABOY [Finished]
Teen FictionMeet JANTZEN LIM. Cute pero MATABA -este MEDYO MATABA. Medyo lang ha! Para siyang baboy. Wala siyang mga kaibigan. Infact, lagi siyang binubully ng dalawa niyang classmate na sina John at Jojo. One day, habang umuulan nun, nakilala niya ang isang ba...