ENTRY 9

705 8 3
                                    

Happy 1k reads! Wiee! May nagtya-tiyaga sa story ko <3 HAHAHA! :D

Dedicated to her kasi mahal ko siya :* Labyu! <3

ENTRY 9

 

DEAR DIARY,

Ang tagal matapos ng araw ko! Tss. Recess pa lang namin ngayon. Mabuti na lang half day lang kami kasi wala pa naman gaanong klase dahil first day pa lang.

Umorder na si AB slash Nicolle ng makakain niya. Samantalang ako, eto, naghahanap ng bakanteng upuan. Makikiupo lang. Hindi naman ako kakain eh. Diba nga diet ako ngayon? Tss :p

Pero ewan ko ba kung bakit lagi akong minamalas. May tumawag sa napaka ganda kong pangalan..

"Jantzen!" sigaw ni Jojo habang kumakaway pa. Close kami?

Snob. Tiyak bubully-hin lang ulit ako ng mga yan. Mabuti nang makaiwas.

"Jantzen! Yuhuu!" ulit niya. Tss. Eskandaloso. Ngayon, pinagtitinginan na ako ng mga tao sa Cafeteria. Great.

"Kuya, tawag ka ata nung.. *ahem!* gwapong lalaki dun oh~" bulong sakin ng babaeng katabi ko. Tss. Gwapo? Asan? Eto oh, nasa harapan mo lang.. Jk xD

"Wala naman akong nakikitang gwa--- O-oyy!" sabi ko dahil biglang may humawak sa balikat ko at tinulak ako papunta sa mesa nila Jojo. GREAT, again.

"John! Yung bestfriend natin oh! Si Jantzen!" sabi ni Jojo kay John na nakabusangot ang mukha. Hmm? Bakit kaya? "Irish, meet Jantzen."

"Hi Jantzen! I'm Ice Rhodora Ilay Sisa Hannah or in short, IRISH. Nice to meet you!" sabi nung Irish habang kumakaway at nakakapit sa braso ni John. Agad naman 'yon tinanggal ni John. Wah? Ang haba naman ng pangalan niya.

"Tss! Makakapit naman! Paano ako makakakain?!" sigaw ni John habang nakakunot ang noo.

"Hmmf. Sorry :3" sabi ni Irish at kumain na.

"N-nice to meet you din," Ang tagal naman ni Nicolle. Masyado bang marami yung dala niya?

"O Jantzen! Umupo ka na dito. Wala nang bakanteng upuan sa iba oh. May kasama ka pa ba?" sabi ni Jojo. Masyado kasing malaki yung mesang pinagkakainan nila tapos tatatlo lang sila kaya may bakante pa. Tss. No choice, umupo na ako. Sinabi ko rin na may kasama pa 'ko kaya nireserve ko ng upuan si Nicolle.

DIARY NG BABOY [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon