ENTRY 5

1K 15 2
                                    

ENTRY 5

DEAR DIARY,

Hindi pa rin ako makapaniwala Diary! Kakaranas ko lang ma-broken hearted kay Justine, Na-love at first sight agad ako sa babaeng ito?! Habang umuulan, NANAMAN?!

"KUYANG MATABA! MAG-INGAT KA!!!!!" sabi niya. Ulet. Inulit ko lang. Sa tagal ko ba namang di nag-update eh. HAHAHA XD

*blink.blink*

"Ay tangang baboy! Umalis ka na diyan hangga't malayo pa yung sasakyan!" At para hindi maturn-off yung magandang babae sakin, natataranta akong tumayo at tumakbo papalapit sa babae.

*Boooooggggggssssshhhh!*

(Awooo. Ganda ng sound effects XD)

"A-aray! Ang bigat mong baboy ka! Alis! Alis! AHHH!" sabi nung babae. HALA! Nadaganan ko pala siya! Di ko alam sa sobrang pagmamadali kong tumakbo! O.O

Agad-agad akong umalis mula sa pagkaka-patong sa kanya. Este, sa pagkakadagan sa kanya. Ang panget ng term eh.

"TSS." sabi niya tapos kinatok niya yung bintana nung muntik ng makasagasa sa akin. "Hoy kuya! Tanga ka ba?! Kita mo na ngang may nakahigang balyena sa kalsada, eh dire-diretso ka pa rin! Hindi ka man lang pumreno para hindi siya natatarantang tumakbo sakin eh noh? Ayan tuloy! Feeling ko nabali lahat ng buto ko sa balyenang 'to eh!" sabi niya sa driver ng sasakyan habang nakaturo sakin. Ano ba talaga?! Diary ba 'to ng Baboy o Diary ng Balyena?!

"S-sorry po Ma'am. May kausap po kasi ako sa cellphone eh. Sorry po talaga. Hindi na mauulit," sabi nung lalaki. Tss.

"Dapat lang kuya! Sa susunod na maulit ito, ipapapulis na kita ha?! Tatandaan ko yang mukha mo!" sabi nung babae. Ang tapang niya, GRABE diary. Amazona kaya 'to? Sadista? Yung mga ganun? Baka maging under ako sa kanya pag nagpakasal kami Diary!

Takot na takot namang umalis yung lalaki. Kung ako rin yung nasa kalagayan niya, malamang din eh makapag-patakbo rin ako ng ganun ka bilis sa sobrang takot ko sa babaeng 'toh! Grabe! Bilib na ko!

"Hmp!" sabi niya at biglang humarap sakin, "At ikaw naman lalaki! Bali na nga buto ko, basang-basa pa ako ngayon! ARRGGH! Nakakainis ka! Pasalamat ka na lang mahina na yung ulan at nagkakaintindihan tayo ngayon!"

A-ang ganda niya diary *U* Kita mo yung picture sa gilid? Siya yan! Nahulog sa bulsa niya eh. Edi kinuha ko XD Kahit na basang-basa na rin siya ng ulan, ang ganda pa rin niya. Nagawa niyang magpaulan para lang maligtas ako diary. Ang astig niya. HashtagThisIsHeart. :)

"----Tapos kita mo na ngang ang layo pa nung sasakyan, hindi ka pa umalis! Ano bang ginagawa mo sa gitna ng kalsada at nagawa mong humiga dun, HA? Ano bang akala mo sa kalsada, HIGAAN?! Sumagot ka!" Kinakausap niya ko diaryyyyyyyy!

"H-ha?"

"Ay tangang balyena. Ang sabi ko po, ANONG GINAGAWA MO, SA GITNA NG KALSADA?!" dahan-dahan niyang sabi habang naiinis. Hihi. Ang cute niyaaaaa.

"M-may tumulak kasi sakin kanina eh.."

"May tumulak sayo kanina?! Wow naman! Ang lakas naman nung tumulak sayo! Sa laki mong yan? Nagawa ka niyang itulak?! Bravo!" sabi niya at pumalakpak pa siya.

-________________-

" . . . "

"Tss! Halika na nga! Baka magkasakit pa tayo! Tara't sumilong dun!" sabi niya at inalalayan akong makapunta sa may parang waiting shed. Halika na daw? HALIKAN NA? Sino? Kami? Jk. XDDDD

"T-thank you nga pala," sabi ko pagka-upo namin. Buti pa siya matapang. Sana magawa ko ring maging matapang katulad niya. :(

"Pasalamat ka mabait ako. HAHAHAHAHA!" sabi niya. Tumatawa rin pala siya? Akala ko lagi lang siyang galit XD "Nga pala, taga Di-ko-alam-kung-anong-school ka diba?"

"P-pano mo nalaman?"

"Tanga ka talaga. Tsk tsk. Naka-uniform ka kaya!" Ay. Oo nga noh. Hehe. Nakalimutan ko XD

"Hehe. Nakalimutan ko. Doon ka rin ba nag-aaral?"

"Hindi ah. Sa tingin mo ba, makikita mo akong palakad-lakad dito kung doon ako nag-aaral? Mamaya pa kaya uwian niyo! Pero ikaw, bakit ka nandito? Nag-cutting ka noh?"

*Gulp*

Turn-off nanaman. TSSSS.

Balyena DAW sabi niya,

JANTZEN LIM.

DIARY NG BABOY [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon