ENTRY 8 (Part 2)

622 5 7
                                    

ENTRY 8 (PART 2)

 

DEAR DIARY,

Hindi ako makapaniwala diary. Halos hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nun nang makita ko ulit si Justine. Ang ganda ganda pa rin niya diary. Sa loob lang ng halos tatlong buwan nagawa niyang maging maganda lalo? Nakakabilib. Kinamusta niya ako nun. Tapos nakipag-kwentuhan din tungkol sa bakasyon niya. Sinabi ko na okay lang ako at mabilis lang naman lumipas ang boring kong bakasyon.

Akala ko hindi ko na siya ulit makikita. Ang sabi niya kasi sakin bago mag-Graduation, lilipat na daw siya ng eskwelahan. Doon daw sa malapit sa bahay ng boyfriend niya, para daw nasa iisang school pa rin daw sila. Pero hindi ko naman alam na dito sa Infinity High din sila mag-aaral :3 Mukhang araw-araw ko nanaman sila makikita ah. Kasama nung boyfriend niyang si Patrick a.k.a. Barney. Tssssssss. </3

"Sino ba tinitignan mo ha?" sabi sakin ni Nicolle. Magkatabi kami ngayon sa classroom. Hinihintay na lang yung adviser naming late. Sinundan naman niya ng tingin kung sino yung tinitignan ko at bigla na lang siyang napatango, "AHHHH. Crush mo ba yun? Eh mukhang taken na ah."

"Oo. Kaso, taken na e. Tss.. Ay! H-hindi! J-joke lang yun!"

"Nadulas ka na e. Dinedeny mo pa. Pero ang nakapagtataka, bakit mo pa tinitingnan? Tinititigan mo pa nga e. Ang sarap sigurong saktan yung sarili mo noh? Alam mo na ngang masasaktan ka, tinititigan mo pa. Masokista, tss."

"Eh anong gagawin ko?"

"Pumikit ka na lang. Imaginin mo na wala sila dito. Atleast kahit papaano eh mababawasan yang sakit na nararamdaman mo. Kaysa ninanamnam mo pa kung gaano sila ka-sweet. Nandito naman ako e.. Dadamayan kita."

"S-salamat. Dami mong alam ah?"

"Hahahahahaha. Common sense lang kasi. Ang tanga mo," XD

"Tss. Maka-tanga ka naman," -____-

"Totoo naman eh? Hahahaha!"

Pagdatingng ng aming late na adviser, pinapila na kami sa labas. By surname. Dahil 'LIM' ang apelyido ko, sa bandang gitna ako naupo. Sa third row. At sa di inaasahan... PINAGTABI-TABI KAMI NG TADHANA.

Nakahati kasi yung mga upuan sa dalawa, Set A at Set B kung baga. At sa isang set, may limang upuan. Nandun ako sa pinakagitna. May dalawa akong katabi: Sa right si Justine, samantalang sa left naman si Irish. Nasa likod ko si Nicolle: Katabi niya sa magkabila sina Jojo at Patrick. Samantalang, nasa 2nd row, sa unahan ni Irish si John. Magulo noh? Ako rin naguluhan eh XD Teka, isusulat ko na lang...

2nd row:

Girl | John | Girl | Boy | Girl

3rd row:

Boy | Irish | Jantzen | Justine | Boy

4th row:

Girl | Jojo | Nicolle | Patrick | Girl

Okay na?

Ganyan. Kainis diba? Pwede namang sa kabilang row na lang sila pinaupo. Bakit malapit pa sakin?

Ang sakit na ng kamay ko diary. Next time ko na lang ipagpapatuloy. Advance Goodnight! :)

P.S. BELATED HAPPY BIRTHDAY KAY JOHN! ESTE KAY JOSHUA HERTEZ! TROLOLOLOL. SUPER LATE EH? HAHAHAHA! DAPAT NUNG BIRTHDAY KO ITO IPO-POST EH. KASO DELAYED! SORRY! :DDDDDDDDDDDDDDDD

Ang malas na Baboy,

JANTZEN LIM.

DIARY NG BABOY [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon