Hi. Thanks for reading this!
Love, Irish. x-
ENTRY 1DEAR DIARY,
Hindi ko alam kung bakit ko inaaksaya ang tinta ng ballpen ko sa pagsusulat sayo kahit nagmumukha akong bakla. Pero wala eh, gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko sa buhay.
Kailangan ko ng makakausap. Masakit man isipin pero lahat ng mga naging kaibigan ko, lagi na lang ako iniiwan. Si Ate, si Mama, at si Papa lang ang mga kaibigan ko, wala ng iba. Wala naman kasing gustong kumaibigan sakin eh, dahil bukod sa "pangit" daw ako sabi ng mga kaklase ko, (pero sabi ni Mama gwapo daw ako) ay may pagka-chubby rin ako.
Okay. Sige na, mataba ako.
Nakakaubos ako ng halos isang kalderong kanin sa isang upuan lang. Depende pa kung masarap ang ulam. Wala namang problema doon dahil ganyan ako ka-love nila Mama at Papa. Tuwang-tuwa sila sa tuwing nakikita akong nabubusog. Kaya nga bukod sa pamilya ko, pagkain din ang bestfriend ko. BFF kami niyan! Best Friends Forever, p46k4iN lh4n x4pat nu4h.
Naiintidihan ko naman 'yung mga kaklase ko kung bakit ayaw nila akong lapitan. Marahil umiiwas lang sila sa away. Ayaw nilang madamay sa tuwing binubully ako ng mga kaklase ko. Sino ba naman ang gugustuhing maging miserable ang kanilang buhay dahil lang sa naging kaibigan nila ako, diba? WALA.
Pero 'yun ang akala ko.
Umuulan noong hapong 'yun, napaka lakas ng ulan. Nakatayo ako sa labas ng building namin, naghihintay na tumila ang ulan. Kinuha kasi ng mga bully kong kaklase na sila John at Jojo 'yung payong ni Mama eh. Tss. Kahit kailan talaga. Lagi na lang nila akong pinagti-tripan. Avon pa man din yun. Lagot ako mamaya kay Mama.
At mukhang hindi ako masusundo ni Mama o ni Papa kasi malamang nasa trabaho pa sila.
Medyo nilalamig na ako dahil naaanggihan ng ulan ang katawan ko at malakas din ang hangin. Nanginginig na ang dalawang baba ko. Nagulat ako ng may kabuteng babaeng sumulpot sa tabi ko.
"Jantzen?" nag-aalinlangan niyang sabi. Si Justine. Classmate ko since Grade 1 -Grade 6 pa lang ako. Kahit hindi ko siya kaibigan, alam ko pa rin ang pangalan niya. Lagi kasi siyang nagre-recite, matalino. Tsssk.
"J-justine, b-bakit?" sabi ko. TSS! Napayuko ako non. Nakakahiya. Bakit ako nauutal?!
"Uhmm. Gusto mong sumabay sakin?" Napaangat ako ng mukha. Ano daw? "May payong ako! Nakita kasi kitang kanina pa naghihintay eh. Huwag kang mag-alala, wala akong balak na masama. Gusto lang kitang maging kaibigan."
Kaibigan? Nung oras na narinig ko 'yon, hindi ko napigilang makaramdam ng kakaiba.
"Huy, anong nangyayari sayo?"
'Yung kanina kong namumulang mukha, mukhang lalong namula ng nilapit niya 'yung mukha niya sa akin. Sobrang lapit diary!
*tugdug.tugdug*
Rinig na rinig ko 'yung lakas ng tibok ng puso ko. Para akong tumakbo. Nakakahingal. Kaya hiniling ko nun na sana hindi niya naririnig kundi mas nakakahiya 'yun.
Dahil sobrang lapit ng mukha niya, nagkaroon ako ng chance na makita ito ng mas mabuti. Ang ganda niya. Napakaamo ng mukha. Medyo singkit na bilugan ang mga mata. At 'yung labi niya. . .hindi ko maalis ang tingin ko doon.
After kong matulala, pumayag na din akong sumabay sa kanya pauwi. Naglakad lang kami tutal malapit-lapit lang naman ang bahay namin sa school. Nag-share kami sa iisang payong at nagkwentuhan pauwi. Kapwa kinikilala ang isa't-isa. Grabe nga e. Hindi kami nagkasya sa payong niya sa sobrang chubby ko. HAHAHAHAHA pero oks lang kahit medyo nabasa 'yung kanang balikat ko. Atleast nakasama ko siya sa ilalim ng iisang payong habang umuulan.
Kanina habang kumakain ako at abot hanggang langit pa rin ang ngiti, napagtanto kong "Blessing in Disguise" din pala ang ginawang pambi-bwisit nila John at Jojo. Kung di nila kinuha 'yung Avon na payong ni Mama, hindi ko magiging kaibigan si Justine.
Oo, may gusto ng kumaibigan sakin. Ang galing no?
At shhh. Crush ko na ata si Justine. Ang ganda at ang bait niya kasi e.
Sige na. Matutulog na 'ko. Goodnight.
Chubby,
JANTZEN LIM.
![](https://img.wattpad.com/cover/12386770-288-k287201.jpg)
BINABASA MO ANG
DIARY NG BABOY [Finished]
Teen FictionMeet JANTZEN LIM. Cute pero MATABA -este MEDYO MATABA. Medyo lang ha! Para siyang baboy. Wala siyang mga kaibigan. Infact, lagi siyang binubully ng dalawa niyang classmate na sina John at Jojo. One day, habang umuulan nun, nakilala niya ang isang ba...