ENTRY 3
Habang sinasabunutan ko ang buhok ko sa sobrang frustrate, halos mapatalon naman ako nang biglang may humawak sa balikat ko.
“Ay palaka!” sabi ko at muntik ko pang masuntok ito sa sobrang pagkagulat. Malay ko ba naman kasi kung multo pa ‘yun! Eh nasa lugar kaya ako kung saan napaka dami ng ganon! “Ikaw pala Nicolle! Teka –Nicolle?” halos manlaki ang mata ko ng makita ko siya. Anong ginagawa niya dito? Ah, oo nga pala. Naging magkaibigan nga pala sila ni Jantzen at hindi lang ‘yon, nagka-crush pa sa kanya. Nabasa ko iyon sa diary niya at kilala ko rin siya dahil madalas ko silang nakikita noon na magkasama.
“Hi Justine.” Nginitian niya ako saka siya umupo sa upuan na nasa tabi ni Jantzen.
“K-kanina ka pa?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.
Tumango-tango naman siya at tinignan si Jantzen na natutulog, “Tinawagan kasi ako ni Irish at sinabing dinala daw dito sa Hospital si Jantzen. Kanina pa nga ako dito, e. Mukhang nasagot na iyong tanong ko kung bakit hindi mo ako pinapansin dito kanina pa. Mukhang hindi mo pala alam na may nag-eexist na Nicolle sa kwartong ito.” Medyo natawa naman siya sabay tipid na ngumiti.
“Kanina ka pa dito?”
“Oo, nauna pa nga ako sa’yo, e. Nakita rin kitang umiiyak diyan.” Ngumiti na naman siya. Sa sandaling sinagot niya ang mga katanungan ko, hindi ko naiwasang makaramdam ng parang mabigat na bagay sa dibdib ko. Tinawagan din pala siya ni Irish. Ang buong akala ko ako lang ang tinawagan niya at sinabihan na nandito sa Hospital si Jantzen. Ang dami talagang namamatay sa maling akala.
“K.” naiinis na bulong ko na sana ay hindi niya narinig. “Kanina pa ba siya natutulog?”
“Hmm, hindi naman. Kakalabas niya lang kasi ng Emergency Room, e. Maya-maya rin siguro magigising na siya. Pero baka hindi mo na mahintay, weak ka pa naman. Balita ko kasi may sakit ka daw, e. Sige, umuwi ka na. Ako na ang bahala kay Jantzen.” Tinignan niya ako at ngumiti na lalong nagpainis sakin. Tse, bakit iba ang nakikita kong Nicolle ngayon kumpara sa Nicolle na kinekwento ni Jantzen? At bakit hindi ko napansing nandito pala siya? Ganoon na ba ako kamanhid?
“Hindi ako weak, no. Kung totoong weak ako, edi sana hindi mo ako katabi ngayon.” Tinignan ko siya saglit tsaka kumuha ng upuan at umupo sa tabi ni Jantzen, salungat sa kung saan nakaupo si Nicolle. Kumbaga, pinagitnaan namin ang nakahigang Jantzen. “Hihintayin kong magising siya.”
“Okay, bahala ka.” Natahimik kaming dalawa habang nakatingin kay Jantzen.
Jantzen, manhid ka ba? Sana naman hindi. Pareho na kami ni Nicolle na may pagtingin sa’yo, o. Este pareho na kaming nakatingin sa’yo. Gumising ka na, please. Ang dami ko pang gustong itanong sa’yo, na sana matanong ko balang araw.
BINABASA MO ANG
DIARY NG BABOY [Finished]
Novela JuvenilMeet JANTZEN LIM. Cute pero MATABA -este MEDYO MATABA. Medyo lang ha! Para siyang baboy. Wala siyang mga kaibigan. Infact, lagi siyang binubully ng dalawa niyang classmate na sina John at Jojo. One day, habang umuulan nun, nakilala niya ang isang ba...