ENTRY 22

348 1 0
                                    

ENTRY 22

 

 

Dear Diary,

Anong gagawin mo pag nalaman mong may gusto sayo ang bestfriend/mahal mo?

A.)   Pupuntahan siya sa bahay at aaminin ang feelings.

B.)    Tatawagan upang aminin ang feelings.

C.)    Kakanta with feelings.

Takte, puro feelings! Pero ano nga kase yung gagawin ko? Natataranta ako na ewan, pero hindi naman ako dapat mataranta diba? Ewan ko ba, nakakainis. Hanggang ngayon di pa rin ako makatulog. Ilang beses na ko nagpagulong-gulong sa kama at nagbasa nako ng libro sa Math para antukin pero wala pa rin! 4:58 am na! Dalawang minuto na lang tutunog na yung alarm clock sa kwarto nila Mama para ipagluto si Ate ng almusal, at labing-anim na minuto na lang, tutunog na yung alarm clock sa kwarto ng Ate ko. Eto ako, mulat na mulat pa rin habang nagsusulat sayo.

5:00 am. Ayan, tumutunog na yung alarm sa kabilang kwarto at narinig ko nang bumaba si Mama sa kusina. Hayy, Justine! Grabe tong epekto mo sakin! Mabuti na lang mamayang hapon pa klase ko. Huhuhuhuhu.

Kanina lang, napag-alaman kong si Justine yung nagmamay-ari ng number na binigay sakin ni John. Yung dati kong nakwento sayo? Siya pala yun! Kaya pala tuwing tinatawagan ko siya dati, natatameme ako. Nas-speechless ako kasi si Justine pala yun! Diary, siya pala yun! Isa pa? Siya pala yun! Pero bakit… Bakit di ko nabosesan si Justine? Tsk, sabagay, kelan ko nga ba nabosesan ang isang tao sa pamamagitan ng tawag? Never.

Bakit siya nagpakilala sakin bilang Christine? Tsk, nagtanong ka pa Jantzen e ikaw nga Zen ang sinabi mong pangalan mo e. Pero atleast magkalapit lang diba? Tinapyas lang sa pangalan ko. Eh yung sa kanya, ewan. Kaya pala nung dating nalaman ni John na “Christine” yung pangalan nung katext ko e halos naibuga niya yung iniinom niya. Hindi naman pala kasi Christine kundi Justine.

 

Hindi ka naniniwala? Teka, may ike-kwento ako sayo.

Hmm, kanina, binasa ko ulit yung tinext sakin ni Justine a.k.a. Christine kailan lang na sobrang haba. Sobrang sakto pala sa amin diary! Sabi kasi sakin ni Christine, 7 years daw naging sila ng ex-boyfriend niya, (Na marahil ay si Patrick yung tinutukoy niya). Tapos kung paano niya dinescribe yung bestfriend niya? Ang gwapo gwapo na niya.Matangkad, astig pumorma, at mas gumanda ang singkit niyang mga mata. O diba? Eh singkit din ako! Tapos ako lang naman siguro yung bestfriend niyang lalaki, diba?

Pati nga yung part na “Pero kahit nagbago ang itsura niya, siya pa rin yung bestfriend ko. Pisikal lang ang nagbago. Nung binanggit niya ang pangalan ko, may kakaiba akong naramdaman. Di ko ma-explain! Para akong natatae na ewan. (Sorry sa words!) Tapos nung sinabi niyang may nagugustuhan na siyang iba, parang may kumirot sa dibdib ko. Nagseselos kaya ako?” medyo tugma din e. Tinawag ko siya nun sa Mall, remember? (So pareho kayang tumibok yung puso namin ng kay bilis bilis nung mga panahon na yun?) Tapos habang kumakain kami, sinabi ko nun na may nagmamay-ari na ng puso ko. O, sinong hindi mapapaisip na si Justine nga si Christine?

Hindi ka pa rin naniniwala na siya nga si Justine? Ito pa ang patunay. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog ngayon.

Kanina, magkatext ulit kami ni Christine. Pinagtapat niya na si Jantzen daw, siya daw yung dati niyang bestfriend. E diba, AKO SI JANTZEN? Hallelujah!

                Naniniwala ka na?

Kagimbal-gimbal yung nangyari diba? Pagkabasa ko ng text niya, di ako nakagalaw. Nakakagulat! Hindi ko na siya nagawang reply-an dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko… Hindi ko alam kung anong ire-react! Dapat ba nireply-an ko siya ng,

May ipagtatapat din ako sayo Christine… Ako si Jantzen.

Hindi, hindi ko kayang aminin!

Pero may narealize ako… Kung si Justine nga talaga si Christine, ibig sabihin…

5 months na silang break ni Patrick?

Eh kailan lang din, umiiyak si Justine dahil nag-away daw yung Mama at Papa niya diba? Kaya pala sinabi niya nun na wala siyang balak ipaalam kay Patrick yung problema niya kasi break na pala sila nun… Pero what if yung break-up talaga  nila yung dahilan kung bakit siya umiyak, at ginawa lang niyang palusot yung parents niya para pagtakpan?

AT, MAY GUSTO SAKIN SI JUSTINE O_O

                Is it real? Is it real? O_O

Di muna dapat ako magdiwang ngayon. Nagco-conclude na kasi agad ako e! Mamaya assuming lang ako. O kaya coincidence lang. Pero diba? Halatang-halata na naman e. Lahat tumutugma. Tsaka si Justine lang naman ang bestfriend ko a? Kailangan kong makasigurado.

Itatanong ko kay John bukas.

6:18 na nga pala. Akalain mo yun? Gising pa rin ako? At nakapasok na yung Ate ko sa isang iglap lang. Ang bilis. Ge, goodnight.

Mukhang Zombie pero gwapo pa rin,

Jantzen.

PS. Nakakainis!

PPS. Hindi pa rin nasasagot yung tanong ko!

DIARY NG BABOY [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon