ENTRY 13
DEAR DIARY,
Eleven days.
Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang insidenteng yon. Halos labin-isang araw ko na ring hindi nakikita si Nicolle.
Bakit ganun? May nagawa ba akong mali para lumayo siya sakin? Ni-isang beses hindi niya ako nagawang dalawin sa Hospital. Buti pa sila Jojo, John, Irish, kahit sila Justine at Patrick, dinadalaw nila ako. Pero siya? Hindi. Aanhin ko ang pagkarami-raming bulaklak at pagkain dito kung hindi ko naman siya nakikita? Nakakainis lang.
BALITA? Eto, may mga Bad news at Good News ako.
GOOD NEWS: Hinahanap na ng mga pulis yung limang holdapers na bumugbog sakin.
BAD NEWS: Kaso hanggang ngayon hinahanap pa rin sila. Bigla na lang kasi silang naglaho. Hinanap na sila sa kung saan-saan pati sa mga bahay nila pero wala. Tss. Sana makonsensya naman sila.
Pero GOOD NEWS ulet: Sabi ng doctor, pwede na daw akong lumabas bukas. May bali ako sa kanan kong braso at sa binti pero ayos na ako. Makakauwi nako samin.. Sana naman dalawin na niya ako..
Hayy.
"Ayiiee! May hinihintay! Sino kaya yun?" pang-iinis sakin ni Irish habang nakaupo sa couch malapit sakin, katabi sila John at Jojo.
"Baka yung syota niya?" sabi naman ni John habang tinataas baba pa ang kilay.
"Sino syota ni Jantzen?" -Jojo -___-
"Edi si Justine!"
"Oh???!" eksaheradang sabi ni Irish, "Syota mo si Justine?! Omg! Kabit si Jantzen!"
"Baliw! Hindi ko syota yun! Imbento kayong dalawa ha!" sabat ko habang nakatingin kila Jojo at John. TSSSSS.
"Mamatay man yung kuko mo?" -Jojo -___-
"Hindi nga!" tss. LIAR.
"A strong denial is a strong confirmation."

BINABASA MO ANG
DIARY NG BABOY [Finished]
Roman pour AdolescentsMeet JANTZEN LIM. Cute pero MATABA -este MEDYO MATABA. Medyo lang ha! Para siyang baboy. Wala siyang mga kaibigan. Infact, lagi siyang binubully ng dalawa niyang classmate na sina John at Jojo. One day, habang umuulan nun, nakilala niya ang isang ba...