ENTRY 26

349 2 0
                                    

[Play “Can’t Keep On Loving You” by Elliott Yamin while reading para heaven! Kyot kyot ng kanta na ‘yan :D]

 

 

ENTRY 26

DEAR DIARY,

Ako si Jantzen Lim. Dating loner, walang ibang kaibigan kundi ang pagkain at mga Magulang ko at Ate ko. Nabuhay ako noon na puro kain-tulog lang ang ginagawa. Hindi ako nakikipag-kaibigan dahil sa mataba ako. Lagi kong iniisip na kapag nakipag-usap ako sa iba, tatanggihan lang nila ako. Sino ba naman kasi ako? Napaka taba ko at sige na, inaamin ko na, panget ako. Singkit na nga ang mga mata ko ang taba taba ko pa. Kaya nawala ang kumpiyansa ko sa sarili ko.

Lalong nabawasan iyon nang dumating ang dalawa kong kaklase. Sila si Juanito at si Joey –o mas kilala sa pangalang John at Jojo. Ang babaho kasi ng pangalan nila kaya iniba nila, tss.

Araw-araw, wala silang ibang ginawa kundi ipaalala sa’kin kung gaano ako kataba at kapangit. Konting galaw ko lang, lalaitin na nila ako. Hinawaan pa nga nila ang iba kong mga kaklase e. Isang araw habang kumakain ako dahil recess namin, may tatlong babae akong narinig. Kilig na kilig sila sa tinitignan nila sa Magazine. Ang cute cute raw ng singkit nitong mata at ang yummy daw ng abs, tss. Crush na crush rin nila iyong mga school mate namin na chinito tapos kanta sila ng kanta ng “Chinito” ni Yeng Constantino at “Chinito Problems” ni Enchong Dee. Pero nang mapalingon sila sa’kin, bigla silang natawa. “Tignan niyo si Jantzen o, chinito. Ngayon ko lang na-realize na hindi pala lahat ng chinito, gwapo. Ang chaka niya e. Wahahahahahahaa!” rinig ko pang sabi ng isa at nagsang-ayunan naman ang dalawa nitong kasama at nakitawa rin.

Kung ganoon lang din ang araw-araw kong maririnig, bakit pa ako makikipag-kaibigan? Tiyak pandidirian lang nila ako. Sabi ko pa sa sarili ko ‘nun.

Isang araw, umulan ng malakas. Sa totoo lang, umaga pa lang umuulan na kaya nga pinabaunan ako ni Mama ng payong niyang Avon. Sabi niya ‘wag ko raw kalimutan kapag pinatuyo ko ito sa labas ng classroom namin. Oo, hindi ko nga siya nakalimutan. Dala ko na nga siya dahil handa na akong umuwi e. Kaso ang mga bully kong kaklase na sina John at Jojo, kinuha ito sakin. Wala raw kasi silang payong kaya pahiram daw muna. Nagprotesta ako syempre, tiyak pagagalitan ako ni Mama kapag umuwi akong basang-basa. Pero sabi nila, maligo na lang daw ako. Hindi naman daw ako magkakasakit e, ang healthy healthy ko naman daw, kitang-kita sa katawan ko. Kinuha na nila sakin ang payong ko at nagmadali nang umalis.

Ginaw na ginaw ako habang nag-aabang na tumila ang ulan. Hindi nga ako sigurado kung titila pa iyon e. Kaninang umaga pa kasi iyon. Pero nagulat ako ng may tumabi sakin at nag-offer na gusto ko raw bang sumabay sa kanya dahil may payong siya. Doon ko naging kaibigan si Justine. Gandang-ganda ako sa maamo niyang mukha. Siya rin ang naging una kong kaibigan.

Simula ‘nun, naging magkaibigan na kami. Bestfriend na nga ang turing namin sa isa’t-isa e. Lalong nahulog ang loob ko sa kanya kaya pakiramdam ko mahal ko na siya.

DIARY NG BABOY [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon