ENTRY 21

306 2 0
                                    

ENTRY 21

 

 

DEAR DIARY,

Nakakapagod tong araw na to! Kakauwi ko lang galing sa Hospital dahil dinala ko dun si Mama para ipatingin kung ano ang nangyari sa kanya. Bigla kasing nanakit yung tiyan, tapos yung mga mata niya lalong naningkit dahil sa dinadaing na sakit. Nagegets mo ba ko? Yung lumiliit yung mata tapos nakakunot yung noo? Ganun. Pero huwag kang mag-alala! Ayos na siya. Mahimbing na siyang natutulog yakap yakap yung unan niyang kulay penk. Yes, penk. Binigyan lang siya ng reseta at gamot tapos pinauwi na rin kami.

Bakit kaya nagkaganun si Mama? Ang sabi ng doctor, food poisoning daw. E aba! Ano naman kaya ang nakain ng Mama ko? Ba’t ako, hindi naman sumasakit yung tiyan ko? Hay buhay.

Nakwento sakin kanina ni Mama habang nasa kotse kami papauwi, na yung dati daw niyang kaaway na kapitbahay namin e himala daw na kinausap siya kanina. At di lang yun! BINIGYAN PA SIYA NG ULAM. Akala mo daw ang bait bait samantalang dati para raw silang mga aso’t pusa at manok kung magputakan sa isa’t-isa. Tuwing dumadaan daw kasi si Mama sa tapat ng bakuran nila, lagi daw siyang binubuhusan ng tubig. As in lagi daw! Ang daming beses nun naulit. Pati nga yung basura nila nilalagay nila sa tapat ng bakuran namin e. At eto pa nga pala! Nung dati pa nga raw, akala niya tubig lang yung binuhos sa Mama ko. Natulog pa nga siya nun e, nagpalit lang siya ng damit. Pero pagkagising niya, dun lang niya napansin na ihi pala ng kuneho yung ibinuhos sa kanya! Hahahahaha! Ang baho baho! Kaya ayan, di ko mapigilang hindi isipin na dahil may galit sa kanya yung kapitbahay namin, nilagyan niya ng lason yung ulam. Hahahahahahha!

Bago ko nga pala makalimutan, eto nga pala yung dahilan kung bakit ako nagsulat sayo ngayong gabi. Kanina, sa Hospital habang hinihintay yung resulta ng test ay nakita ko si Justine palabas ng lugar na yun. Akay-akay pa nga siya ng Mama niya e, tapos may mask pa siya sa bibig. May sakit ba si Justine? Alam mo ba diary kung bakit siya pumunta sa Hospital? Hay. Kelan ka ba sasagot.

Ge! Matutulog nako. Bye :D

Wag ka maiinlove sakin ha? Mahirap na. Ayokong mainlove sa diary na pipe!

Zzzzzzz,

J4ntZ3nLh4n6X4p4tnU4hB3nt3D0oSxZm4pa6m4h4L

P.S. Mwa!

DIARY NG BABOY [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon