ENTRY 15

518 8 4
                                    

[See picture of Snow at the Multimedia.]

ENTRY 15

DEAR DIARY,

PAGKAUWI KO SA BAHAY, SANGKATUTAK NA SERMON ANG NATANGGAP KO SA AKING INAY. KESYO BAKIT DAW ANG PANGET-PANGET KO, ANG TABA-TABA KO, BAKIT DAW AKO BASANG-BASANG NG ULAN, AT BAKIT KO DAW HINAYAAN NA MABASA NG ULAN YUNG BAG AT MGA GAMIT KO. TSSS KASALANAN KO BA?!!! TAO RIN AKO! MAKAKALIMUTIN AT HINDI PERPEKTO! TSSSSSS!

Okay, OA na sa Capslock. Hahahahaha!

8pm.

Alas otso na ng gabi pero eto ako, naglalakad sa dilim. May sira-sirang ilaw sa poste, mga umaalulong na aso, mga nag-iinuman sa paligid-ligid, (AY MARAMING, LINGAAAAAA!) mga ngungutang sa tindahan, at mga batang naglalaro sa dis-oras ng gabi. Kung nasaan ako? EWAN KO. Hinahanap ko kasi yung bahay nung SNOW DE JESUS. Remember? Yung may-ari ng ID na napulot ko? (Naks! Rume-remember na ko! Gumaganern!) At eto ako, para akong tanga na di mahanap yung bahay niya. Tss! Malay ko ba kung saan yung,

143 DIYOSA ST. BRGY. GANDA-GANDAHAN, OBANDO, BULACAN.

Tss. -___-

Sino ba naka-imbento ng pangalang yan?

Sinubukan kong magtanongg-tanong kanina, pero alam mo ba kung ano ang ginawa nila? Pinag-shot nila ako ng alak! TSS! Hanggang ngayon nalalasahan ko pa rin yung ka-bitter-an nung alak eh! Tapos di rin naman ni;a tinuro. TSS. Kasalanan 'to nung Snow.

Dahil sa nawawalan na ako ng pag-asa at tinatamad na rin ako, tinantanan ko na yung paghahanap sa bahay niya. Tss! Bahala siya! Pabaya naman eh! Kung saan-saan lang iniiwan yung ID! TSSSSS.

Saktong pagkatalikod ko, may nakita akong pamilyar na mukha sa may tindahan, bumibili.

SI IRISH.

Napatakbo tuloy ako sa direksyon ni Irish dahil sa wakas, may mapagtatanungan na kong matino-tino kahit papaano! :D Kaso yung akala kong takbo, parang naging lakad na lang sa sobrang bagal. Tss! Edi ako na mataba -_-

"Oyy!" sabi ko. At aba! Hindi lumilingon! Kaya ang ginawa ko, tinawag ko pa siya ng paulet-ulet. Hindi ko siya magawang kalabitin dahil nasa pinakataas na bahagi siya ng hagdan. Ang taas naman kasi nung tindahan -_-

DIARY NG BABOY [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon