ENTRY 17.
Dear Diary,
Six Years.
Matapos kong maligaw sa masalimuot na lugar na yun, nakarating ako ng matiwasay sa bahay. Sawa na ako masaktan, at sawa narin ako na kada-mab-BH ako, may nagiging bago akong crush. Tsss! Abnormal gumagawa ng story na 'to eh -_-
Sumakay ako sa Time Machine at pumunta sa Future. Kung kahapon ay 2014, ngayon ay 2020 na. LOL. Joke lang! Tagal ko na rin palang hindi nasusulatan 'tong diary ko eh no? Simula kasi nun, napag isipan kong hindi muna magsulat sayo. Bakit? Eh mauubos na kasi yung pahina mo diary eh -_- Baka hindi pa natatapos yung story ko eh ubos na yung pahina mo. Kaya forward forward din pag may time XD
Kung ilang taon na ko? Tss. NINETEEN. Parang Daniel Padilla lng. Kaka-nineteen ko lng nitong June 19 at kakapasok ko lang sa college, Freshman as Business Management sa Ateneo Hehehe :) Kasama ko ang mga friend kona sila John, Jojo at.. Irish. Yesh! BESTFRIENDS! Finally. Sa loob ng anim na taon na yun, doon ko narealize na hindi na talaga bully sila John at Jojo. Luma-lovelife na nga eh! Araw-araw laging nagpapa-pogi (Kahit hindi naman mga gwapo -_-) Pero kung kanino? KAY IRISH. Si Irish naman, ayun, isip bata pa rin na may naaaaaapaaaaakaaaaahaaaaaabaaaaaaangggggg buhok. (Napakahabang buhok. Nag-rejoice -_-) Tss. Kung anu- ano mga course nila? Uhmm. Ewan. Nakalimutan ko. Basta! Wag na nga natin pag usapan yung mga yun. XD
Pero eto ang MALUPIT NAGKA- GIRLFRIEND NA KO DIARY! At hindi lang isa, NAPAKARAMI NA. Woosh! Ang lupet diba? Si Jantzen Lim? Magkaka-girlfriend? Di kapani-paniwala! Hhaha! Yung dating baboy na mataba na panget 'daw/ na laging nab-BH, habulin na ng chixx ngayon? Yeahhh, watalyp. Pati manok hinahabol na ko! (Chixx paglaki ng manok!) Hahaha! Bakit dapat kang maniwala?
EH ANG GWAPO KO NA KAYA!
Kita mo yang picture sa gilid? Ako yan! After 1234567890 years, nagawa ko na ring magpapayat, Lahat ng ginagawang exercises sa The Biggest Loser, ginagaya ko! And see? Ang gwapo ko na >:) Sikat na nga ako eh. Mapa -facebook, twitter, instagram, tumblr, at pati sa Campus namin! Sa Ateneo! Daig ko pa si Daniel Padilla sa sobrang dami kong fans club! WAHAHAHA. Sabi pa nila kamukha ko daw yung TOP sa Bigbang. Eh mas gwapo kaya ako dun! Tsss, Ang sarap maging buhay sikat. Ang sarap maging gwapo! Hindi mo na kailangan maghabol sa mga babaeng tinuturing ka lang na BESTFRIEND. HahaHard.
Sa anim na taon na yun, naranasan kong maging sikat sa school (Kahit nung HS pako! ;D) Naranasan kong maging hearthrob, ang maging escort sa classroom, ang pakopyahin ka ng mga kaklase mo, ang mangsipsip sa teacher kung puwede magpasa ng late, ang habulin ng mga babae, at pati mam-basted! Ang saya pala sa feeling nun? (Hindi yung pamba-basted a? May konsensya parin naman ako!) HAHAHA! At naging girlfriend ko? Nako! Puro landi - landian lang yun. Lol. Gusto daw nila akong maging boyfriend eh? Edi sige! Kaso bago pa man sila ngumiti abot tenga,nakikipag break na agad ako. (Drake Palma lang ang ganap?) Haha! Ewan ko. Atleast napagbigyan ko nman sila sa mga gusto nila diba?
Pinaka matagal kong relationship? 1 minute ata. Kadalasan kasi puro 3 seconds o 5 seconds lng eh. Kaya lang tumagal yun kase naglulumpasay yung babae at puro uhog. Kaya naawa ako. Atleast tumagal isang minuto diba? Choosy pa siya! (Naawa pa ko ng lagay na yun a?) HAHAHA!
Kung bakit ganun? Ewan. Siya parin kase ang gusto ko eh.
Kung sino yun? Hulaan mo :)
Tsk. Si Justine.
Oo, Siya, Eh sa magagawa mo? Eh mahal ko siya eh! Tss, Naka move on na ko kay Nicolle at naka - graduate na din ako sa ka-bitter-an sa kanya. Pati kay Snow! May mga boyfriend na kase eh. Pffft. Bahala sila sa buhay nila. Ahahahahaha!
Tinatanong mo kung bakit hindi paren ako nakakamove-on kay Justine samantalang may boyfriend na rin yun? Ewan ko, First love never dies eh? Sila parin ni Patrick hanggang ngayun. Pero pwede nman siguro akong magmahal ng patago, diba? :)
HATERS? Meron ako niyan syempre. Pero pakialam ko sa kanila? Eh mas madami naman ang fans ko eh. Kaya WHOYOU :P
O, Tama na dada! Nandito na ako ngayon sa school namin. Palapit pa lang ako rinig na rinig mo na agad ang mga tilian ng mga babae pati mga bakla! At teka... Pati pala lalaki! Tsk!
ANG GWAPO KO TALAGA. (~~,)
Pagkatapos ko ipark ang napaka ganda kong sports car na niregalo sakin ng Papa ko nung nag eighteen ako, hindi ako makalabas sa sobrang daming tao na nakaharang sa pintuan ng kotse ko. TSSS! Magagasgasan kotse ko niyan eh! Akalain mo nga naman isang linggo pa lang ako nag aaral dito sa Ateneo, ang dami ko na agad Fans? Tsk tsk tsk,
JantzenLim,
whyareyousogwapo?(~~.)
"Hep hep! Excuse us girls! Kaya hindi makalabas yung bestfriend namin eh!" sabi ni John dahilan oara mahawi ang mga tao at makalabas ako. Lalo silang nagtilian nang makita ako kasama sila John at Jojo. WAHAHAHA! Puro mga hearthrobs ang ganap namin eh! Kawawa si Irish. Tsk tsk tsk(~~.)
Dire-diretso lang kami hanggang makarating kami sa loob. Pero nagulat kami nang makita ang mas maraming fans na nag titilian. Madaming nagbibigay sakinn ng mga chocolates, cake, roses. pati mga regalo, Ang dami ring nagnanakaw ng halik sakin. Tss! ><
Mabuti nalang nakaalis na kami dun bago pa man kami ma-late sa mga kanya kanyang klase. Hayyy. Nakakapagod din maging gwapo -_-
ANGGWAPOKO,
JL.
--
BINABASA MO ANG
DIARY NG BABOY [Finished]
Ficção AdolescenteMeet JANTZEN LIM. Cute pero MATABA -este MEDYO MATABA. Medyo lang ha! Para siyang baboy. Wala siyang mga kaibigan. Infact, lagi siyang binubully ng dalawa niyang classmate na sina John at Jojo. One day, habang umuulan nun, nakilala niya ang isang ba...