ENTRY 25
“Tara nga saglit, mag-usap tayo.”
Sa oras na nakita ko siya, hinigit ko ang kanyang braso at hinila siya patayo. Nahalata ko sa mukha niya ang gulat nang makita ako pagka-angat ng kanyang mukha. Ramdam ko rin ang titig sa akin ng mga tao sa paligid ko. Nakanganga lang ang mga kasama niya habang nakatingin saming dalawa. Ni wala man lang umawat sakin sa paghaltak ko sa kanya palayo.
“Jantzen? Anong ginagawa mo dito? At ano namang pag-uusapan natin?” Nanghihinang tanong niya sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. Tss, sabi na bakla ‘to e.
“Tungkol sa inyo.”
Dinala ko siya sa may likod ng Gym kung saan walang ibang tao dun kundi kami lang kahit na maririnig hindi kalayuan ang mga boses ng mga nagpa-practice ng basketball sa malapit na basketball court. Parehas kami ngayong nakasandal sa pader. Alam ko ‘tong lugar na ito dahil kumuha kami nila Jojo ng Entrance Exam dito noon at dahil sa kakulitan nilang dalawa ni John ay nakaabot kami hanggang dito.
“Patrick, kailangan mong magpaliwanag. Bakit mo siya niloko? Ang buong akala ko hinding-hindi mo magagawang saktan si Justine pero anong ginawa mo? May sakit na nga siya nagawa mo pa siyang ipagpalit sa kaibigan niya!”
Sumugod ako sa eskwelahan nila dahil gusto ko siyang makausap. Gusto kong malaman ang rason niya kung bakit niya piniling lokohin si Justine. Naniniwala ako kay Justine, oo. Pero gusto ko kasing malaman kung bakit niya ginawa ‘yon. Akala ko ba mahal na mahal niya si Justine? Nagawa pa nga niyang kantahan si Justine ng Barney Song sa buong classroom namin diba? Bakit?!
Ang isang istorya ay may dalawang panig. At gusto kong malaman ang sa kanya.
“Wala kang alam.”
Kinuyom ko ang mga palad ko tsaka nagsalita, “Bakit, may dapat pa ba akong malaman kung malinaw namang isa kang malaking manloloko?”
“Mahal ko siya. Mahal ko si Justine.”
“Nagpapatawa ka ba? May tao bang niloloko at sinasaktan ang taong mahal niya?”
Yumuko si Patrick at sinipa ang batong nasa paanan niya, “Hindi mo kasi ako naiintindihan.”
Humarap ako sa kanya, lalong naningkit ang singkit kong mga mata, “Pwes, ipaintindi mo sakin kung bakit mo ‘yun ginawa.”
Napangisi naman siya tsaka tumingin sa langit bago humarap sakin, “Bakit ko naman yun gagawin? Sino ka ba?”
BINABASA MO ANG
DIARY NG BABOY [Finished]
Ficção AdolescenteMeet JANTZEN LIM. Cute pero MATABA -este MEDYO MATABA. Medyo lang ha! Para siyang baboy. Wala siyang mga kaibigan. Infact, lagi siyang binubully ng dalawa niyang classmate na sina John at Jojo. One day, habang umuulan nun, nakilala niya ang isang ba...