ENTRY 1

430 2 0
                                    

[Play the song “Bestfriend” by Jason Chen while reading this part! Para lang parehas kayo ng pinapakinggan ni Justine (na actually ako rin, hahaha!). Wala naman kasing connect yung kanta dito sa entry, e. ‘Yung “I fell in Love with my Bestfriend” lang talaga. Nyohohoho! xoxx <3]

 

 

ENTRY 1

 

 

DEAR DIARY,

Hi. Ako to, si Justine.

   Kilala mo naman siguro ako, diba?

      Sabi niya pagpatuloy ko raw ang pagsusulat sayo.

Ayos lang ba sayo?

Isang linggo na ang nakakalipas magmula nang ibigay ka sakin ni Jantzen. Gabi noon, pinuntahan niya ako sa bahay. As usual, pagkabukas ko ng gate namin, balot na balot nanaman siya ng jacket niya at partner-an mo pa ng pantalon at sapatos niyang pang-basketball. Akala mo sobrang lamig e. Wala naman kami sa America.

Pinatuloy ko siya sa bahay namin at nakipagkwentuhan saglit. Nagulat pa nga ako noong may inabot siyang notebook sa akin e. Nakasulat sa cover nito ang “My Diary” sa font size na 36 –Yap, ganyan lang kaliit at nasa upper right pa –tapos kulay Blue ang balot.

“Sinabi ko naman sa’yo diba? Ipapakita ko sayo ang lahat. Ayan, para hindi na ako mahirapang magkwento, ipapabasa ko na lang sayo ang diary ko! Ingatan mo ‘yan ha. Ilang taon ko rin ‘yang tinago sa ilalim ng kutson ko,” tumawa siya, “Kapag nagtanong ka ng kung ano sa diary ko at hindi siya sumagot, paki bugbog na lang ha? Medyo bastos kasi ‘yan e,” tumawa nanaman siya, “Basta, nakasulat na diyan lahat ng gusto kong sabihin sayo. Basahin mo na lang.”

 

 

Iyan ang natatandaan kong binilin sa’kin ni Jantzen pagkaabot niya sa’kin ng notebook na tinatawag niyang Diary. Akala ko pa naman mga love letters ang ipapabasa sa akin ni Jantzen! Pwedeng mga letters na hindi niya naibigay sa babaeng gusto niya, at pwede rin namang mga sulat na bigay sa kanya ng mga kababaihan. Kasi for sure, sa sobrang gwapo niya, maraming naghahabol sa kanyang mga babae sa University nila. Baka nga marami na rin siyang mga naging girlfriend e. Tsaka kung mayroon man siyang magustuhan, malamang ay sasagutin din siya nito agad. Nakailan na kaya siyang girlfriend? Naging hearth rob kaya siya? Naging playboy at pinaglaruan ang feelings ng napaka raming babae? Baka chicser. Mwehehe.

Pagkaalis na pagkaalis niya pa lang sa bahay namin, dumiretso na ako sa kwarto ko at sumalampak sa kama ko. Agad kong binasa ang Entry 1.

Magka-IBIGAN daw? Jk! Ang ganda kasi niya eh. Ang amo ng mukha. Ang ganda ng mga mata niya. Walang make-up. Tapos may pagka-mahinhin din.

 

 

Medyo namula naman ang mga pisngi ko. Ang ganda ko daw... Pero ako, mahinhin? Kailan nangyari ‘yun? ‘Di ata ako na-inform. Slight lang!

DIARY NG BABOY [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon