[See picture of John and Jojo at the Multimedia.]
ENTRY 3
DEAR DIARY,
Inlove na nga ata ako kay Justine! Habang tumatagal, mas nahuhulog ako sa kanya. Diary, Anong gagawin ko? Natatakot akong umamin! Wala akong kaalam-alam sa panliligaw! First time ko lang kasing mainlove sa babae eh. (Oyy! Di pa ko naiinlove sa lalaki ha!)
Pano ko ba sasabihin? Pano pag binasted niya ko? Pano pag nilayuan niya ko? Pano pag mailang siya sakin? Baka bumalik nanaman ako sa dati. Walang kaibigan. Loner. TSS.
Nakapag-decide na ko Diary.
Hindi na lang ako aamin. HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Hashtag Torpe.
Nandito kami ngayon sa classroom. Nagdadaldalan. Nakakakilig! Lalo na, magkatabi kami ng upuan. HAHAHAHA. Pwe. Kaso may mga panira nanaman. Bakit ba lagi na lang?!
"Hi Justine!" sabi ng kaklase ko. Di ko kilala kung sino eh. TSS.
"Ah? Hello din." sabi naman ni Justine. TSS. Makapag-pacute naman 'tong lalaking to kay Justine! Ang panget naman. TSSSSS.
"Tss. Sino ba yun?" sabi ko. Ang hilig ko ata sa Tss?
"Ah yun? Si Patrick yun! Escort natin," sabi niya. YUCK. "Ang cute niya nuh? Ngayon ko lang napansin," Tss. Yun? Cute? San banda?! Eh ang cute kaya niyang sipain.
"Nako. Umiinig na ang bestfriend ko," Huhu ansakeeet.
"Ha? Hindi ah! Baliw ka talaga Jantzen!" Ako? Baliw? Oo. Baliw na baliw sayo.
"Sus. Deep inside oo naman," sabi ko. TSS. Deep inside nasasaktan ako!
"Hindi nga! Porke't sinabihan kong cute crush ko na agad?"
"Oo." sana hindi.
"Sus! Bahala ka nga,"
Nagdaan ang MGA masasakit na araw. Pano ko nasabe? Araw-araw kasi, laging nagpapacute yung Patrick na yun. TSSSSSS. Mas gwapo pa ako dun eh. Kung payat din ako. Pero bakit ganun Diary? Iniinis ko siya lagi sa iba? Sa PATRICK na yun?! Para pagtakpan ang feelings ko? Eh pano pag biglang ma-carried away si Justine? Yung madala sa tukso ng ka-IBIGAN? Pano pag may crush pala sa kanya yung Patrick na yun kaya lagi siyang nagpapa-cute? Magka-inlaban? Magka-developan? Magligawan? Maglandian? Magtanan? Magpakasal? Magka-baby? Magka-apo? AAAAH! ANONG GAGAWIN KO?
Nababading na ako. TSS. Letseng pag-ibig!
"Hi Justine!!!" sabi nanaman ni PATRICK. Tss. Ang bitter ko. Nakakainis.
"Hello." sabi naman ni Justine. Yung totoo? Kailangan araw-araw nagbabatian?!
"Oyy Squidward," sabi ko.
"Ha? Anong squidward ka diyan?"
"Yung ilong mo kase. PFFT. HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"Ewan ko sayo!!!"
"HAHAHAHAHA! Pero seryoso, ikaw nga si Squidward."
"Tse."
"Bagay na bagay para kay PATRICK Star."
"H-ha? Pauso ka Jantzen!"
"HAHAHAHAHAHA! Ayieee! Kilig ka naman!"
"Bakit naman? Eh hindi ko nga crush yun! Kulit mo!"
"Edi hindi," sabi ko pero ilang saglit lang nagtanong ulit ako, "Pero di nga BESTFRIEND, crush mo ba si Patrick?" Pag-uulit ko. Sana hindi.
"Hindi nga. Makulet?"
"K." sabi ko at ilan pang segundo ay nagtanong nanaman ako, "Last na. Crush mo ba si Patrick?"
Reaksyon ni Justine bago niya sabihin ang mga salitang sisira sa mundo ko at masaya kong buhay. "TSSSSSSSSSSSS! Ankulet! Pano pag sinabi kong, Crush ko nga si Patrick? HA?! Hay nako Jantzen. Ewan ko sayo!"
Diary! C-crush niya si Patrick?!!
Ang baboy na sawi,
JANTZEN LIM.
BINABASA MO ANG
DIARY NG BABOY [Finished]
Teen FictionMeet JANTZEN LIM. Cute pero MATABA -este MEDYO MATABA. Medyo lang ha! Para siyang baboy. Wala siyang mga kaibigan. Infact, lagi siyang binubully ng dalawa niyang classmate na sina John at Jojo. One day, habang umuulan nun, nakilala niya ang isang ba...