ENTRY 24

479 2 0
                                    

ENTRY 24

Nakaharap ako ngayon sa pinto ng kwarto ni Christine–este ni Justine. Tama nga ako, nandito siya sa Hospital kung saan ko siya nakita noon. Hindi ko alam kung dapat ba akong pumasok. Anong sasabihin ko ‘pag nakita ko siya? Tsk, naka-uniform pa pala ako.

Kumatok muna ako tsaka ko binuksan ang pintuan. Walang tao, wala ring pasyente. Nasaan kaya si Justine? Aalis na sana ako dahil baka nagkamali ako ng pagkakarinig sa Room number niya nang may marinig ako, galing ito sa banyo.

“Nak…” Meron akong naririnig na babaeng umiiyak, mukhang may kausap. “May masakit pa ba sayo?” May nagsusuka sa loob ng banyo. Si Justine kaya ‘yon?

Pagkatapos ng dalawang minuto, namatay na ang ilaw sa loob ng banyo. Doon ay niluwa ang dalawang babae, si Tita… Kasama si Justine. Nakita kong nagulat ang Mama ni Justine pagkakita niya sakin samantalang si Justine naman ay nakatingin lang sa baba. Akay-akay siya ng Mama niya, at mukhang nahihirapan sa paglalakad.

“Justine…” Banggit ko. Inangat niya ang tingin niya sa’kin tsaka ako kunot noong tinignan.

”S-sino k-ka?”

“A-ako to, si Jantzen…” Nag-aalinlangan kong sagot. Lalong kumunot ang kanyang noo.

“Jush-men? D-di kita kilala…”

“JANTZEN, ako si Jantzen.” Sa pagkakataong ito, mas nilinaw ko ang pagkakasabi ko.

“J-jantzen?” Matagal niya akong tinitigan, pakiramdam ko isa akong banyaga na ngayon lang niya nakita. Kakakita lang namin a? Maya-maya ay ngumiti siya, “S-sorry, h-hindi kita k-kilala…” P-paano? May Amnesia ka ba? Kagabi lang inamin mo kay “ZEN” na bestfriend mo si Jantzen diba? Bestfriend kita diba? Nakalimutan mo na agad ako?

Uminit ang mata ko at may namuong mga luha. Nilapitan ko siya at niyakap. Nagulat siya noong una, hindi siya kumikibo. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at maya-maya pa’y unti-unti na niya akong niyakap. Napapikit ako. Na-miss ko ‘tong babaeng ‘to…

“J-jantzen?” sambit niya. Bumitaw ako sa yakap tapos ay tinitigan siya. “Namiss kita…” Ngumiti ako at siya nama’y nakatingin sakin na parang nagtataka.

“Hay,” buntong hininga ni Tita, “Justine, matulog ka muna, okay? Kailangan mong magpahinga.” Tinulungan ko si Tita na akayin si Justine papunta sa kama at inalalayan siyang makahiga upang matulog. Maya-maya din ay nakatulog na siya. Napangiti ako.

Umupo ako sa sofa na nasa tabi ng kama ni Justine at tinabihan ako ni Tita. “Pagpasensyahan mo na si Justine, ha? Medyo nagiging makakalimutin na kasi siya e. Yaan mo, baka mamaya, maalala ka rin niya Jantzen.” Ngumiti ako at tumango. Sana nga...

DIARY NG BABOY [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon