[Play “Bestfriend” by Jason Chen by simply clicking the external link. Thankiiee! <3]
ENTRY 4.
DEAR DIARY,
Ilang araw ang nakalipas, sinimulan na ni Jantzen ang chemotherapy dahil sa Leukemia niya. Pabalik-balik siya sa ospital at huminto na rin siya sa pag-aaral. Hindi na siya gaanong nakakalabas ng bahay nila upang mailayo ang sarili sa maraming tao at sa kahit na anong bacteria. Ngunit kahit na ganoon, madalas naman akong sinusundo nila John, Jojo at Irish upang madalaw si Jantzen sa bahay nila. Tinotoo ko rin ang sinabi ko noon sa ospital na liligawan ko siya. Binigyan ko pa nga siya ng teddy bear, e. Ang sa kanya ay babae at ang sa akin naman ay lalaki, pinangalanan niyang “Christine” ang sa kanya at ang sa akin naman ay “Zen” na hango sa mga pekeng pangalang ginamit namin noong magkatext at tawagan kami. Sinadya kong babae ang bear na mapunta sa kanya para kahit wala ako, maalala niya ako. Kung sila may “Couple Shirts”, kami naman ay mayroong “Couple Teddy Bears” para kahit sa ganoong paraan ay maging official kami. Hahahaha!
Sa tuwing pumupunta kami sa bahay nila, lagi ko rin siyang dinadalhan ng pagkain. Naitanong niya nga minsan kung bakit ko siya laging binibigyan ng pagkain at ang nasagot ko na lang ay dahil gusto ko siyang patabain katulad dati. At ang loko? Bigla ba namang sumimangot at tumalikod sa akin!
“Gusto mong maging mataba ulit ako? Edi hindi mo na ako magugustuhan...”
Dahil sa sinabi niya bigla ko siyang niyakap. Nagulat pa nga siya at namula ang pisngi niya ‘non, e. Nag-iinarte si Jantzen! Ang kyot!
Sa unang buwan ng treatment niya ay sobrang nahirapan siya. Lagi nang sumasama ang pakiramdam niya at naglalagas na rin ang buhok niya. Nawawalan siya ng gana kumain at madalas ay nagsusuka. Unti-unti rin siyang namamayat at lalong dumadami ang mga pasa sa katawan. Madalas din siyang manghina at mawalan ng malay.
Kahit alam kong labis nang nasasaktan si Jantzen, patuloy pa rin siya sa paglaban. Pinipilit niya pa ring ngumiti sa kabila ng sakit na nararamdaman niya para lang maipakita sa amin na malakas siya at gagaling talaga siya. Ayaw niyang sumuko, gusto talagang tuparin ni Jantzen ang pangako niya, hindi niya ako iiwan, hindi siya aalis sa tabi ko, naming lahat.
Naging magkaibigan na kami ni Nicolle simula ng araw na iyon. Hindi naman pala siya masama tulad ng iniisip ko. Nakakatuwa nga ang ugali niya, e, pinagtatanggol niya ako sa mga taong umaaway sa akin dahil sa sakit ko, na kesyo nakakahawa daw ito. No wonder, nagustuhan siya ni Jantzen at tinawag siyang Amazonang Babae. Unti-unti ko na siyang nakikilala. Minsan nga ay pinakilala niya ako sa boyfriend niya, si Charles. Sila pa rin pala hanggang ngayon. Bagay nga sila, e, at hindi sila nakakaumay tignan. Medyo under lang si Charles sa kanya dahil medyo tahimik lang ito na salungat naman sa ugali ni Nicolle. Ang cute nila.
BINABASA MO ANG
DIARY NG BABOY [Finished]
Teen FictionMeet JANTZEN LIM. Cute pero MATABA -este MEDYO MATABA. Medyo lang ha! Para siyang baboy. Wala siyang mga kaibigan. Infact, lagi siyang binubully ng dalawa niyang classmate na sina John at Jojo. One day, habang umuulan nun, nakilala niya ang isang ba...