ENTRY 14
DEAR DIARY,
Nakaupo ako ngayon sa field. Nagmumuni-muni at nagse-senti. Uwian na namin kanina pa. Medyo pagabi na nga eh. Saktong dalawang linggo akong umabsent at ngayong Wednesday lang ako pumasok. Pagkauwi ko kasi sa Hospital nung linggo, pinagpahinga muna ako ng dalawang araw dahil sa pilay ko sa braso at binti Pero ayos na ako ngayon. Balik na utlit sa normal..
Normal na nga ba?
Nung linggo, nagulat ako nang dalawin ako nila Ate Nicolle kasama yung iba ko pang mga pinsan na sina Ate Rica Angelica, Richel, at si Ate Quennie. Halos maluha-luha na ko nun dahil namiss ko silang lahat. Lahat kasi sila puro mga nakatira sa ibang bansa. Samantalang kami, nandito sa Pilipinas dahil may business dito ang Mama at Papa ko. Tapos ayun, sa amin muna sila nakitulog.
Tsk, pinsan ko nga yun diary! Ankulet?! Hindi pa rin ako dinadalaw ni Nicolle a.k.a. AB sa Hospital. Kapangalan lang niya yung pinsan ko. False alarm. Hehehe. *scratches head awkwardly*
Nangungulila pa rin ang puso ko sa kanya. :3
Sa classroom, nakikita ko naman si Nicolle. Magkaklase nga kami diba? Pero hindi na siya umuupo sa likuran ko. Lumilipat siya ng upuan eh. Sa kabilang ibayo ng classroom. Kapag recess at uwian naman, nagkusot lang ako ng mata, nawala na agad siya! Tss. Ang bilis niya maglakad. Hindi ko siya mahabol dahil sa pilay ko sa binti. Ayos na ko pero medyo kumikirot pa kasi e. -_-
Sa vacant ba kamo? Nako. Di uso samin yun! Laging on time pumasok at umalis ang mga teacher namin eh. Tapos lahat present lagi. Di tuloy ako makalapit -_-
TSSSSSSS. BAKIT BA NIYA AKO INIIWASAN?!
Ikaw na ang may sabi na ako'y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo’y ‘di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit ika’y lumalayo
Puso’y laging nasasaktan pag may kasama kang iba
BINABASA MO ANG
DIARY NG BABOY [Finished]
Ficção AdolescenteMeet JANTZEN LIM. Cute pero MATABA -este MEDYO MATABA. Medyo lang ha! Para siyang baboy. Wala siyang mga kaibigan. Infact, lagi siyang binubully ng dalawa niyang classmate na sina John at Jojo. One day, habang umuulan nun, nakilala niya ang isang ba...