Unang Kabanata
Why don't you join me first?
"Dito ka na muna." hinawakan niya ang braso ng babae na siyang ikinangiti naman nito.
"Gusto mo bang basahin ko ulit sa'yo to?" ipinakita ng babae ang ilang mga papel na hawak hawak.
"Ano ba yan? Binasa mo na ba yan sakin? Gusto lang kitang makasama."
"Pero wala naman tayong gagawin kaya babasahin ko na lang sa'yo 'to." umupo ang babae sa katapat na silya habang pinagmamasdan ng lalaki ang mapayapang hardin sa bahay nila at nagsimula nang magbasa. Matuling nakikinig ang lalaki at unti unting nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso nito.
***Bella’s POV
Please. Sana makaabot pa ako sa nearest cubicle! Sasabog na ang urinary system ko. Agad kong binuksan ang first cubicle nang walang atubili. And I was fortunate na hindi ito nakalock. Or am I?
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
“Fvck!” Sigaw ng babae sabay takip sa topless niyang katawan.
“Oh my gosh sorry!” Napaatras ako at lalong nanlaki ang mga mata ko to see somebody, a guy inside that same cubicle looking intently at me. His expression is serious, unreadable.
Nakaupo siya sa nakasaradong inidoro habang yung babae ay nakatalikod sa akin, facing that guy, wearing her uniform. For effin’s sake, pinapakita niya ang katawan niya sa lalaking ‘yon, and that guy doesn’t even care kasi sa akin siya nakatingin! And what in the hell are they doing inside a girl’s comfort room, inside one cubicle?
Tumayo ang lalaki saka diretsong lumabas ng cubicle. He looked at me for a second at nilagpasan ako. What now? Is he mad? I didn’t mean to. Sila yung hindi naglalock ng pinto. At nawala na rin yung ihi sa katawan ko because of shock.
“Wait wait wait, Esteban!” Dali dali rin pinulot ng babae ang bag niya at hinabol yung Esteban kahit dalawang butones pa lang ang nakakabit niya sa uniform niya.
Hinigit niya ang kamay ni Esteban para mapaharap ito, and so he did. Ako? I’m like watching a real life telenovela.
“I told you, Jess. It doesn’t work. It didn’t, it won’t be.” Passive pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.
Nagsimulang humagulhol yung babae. “H-how dare you!” with all her force, sinampal niya ang lalaki. Malakas ito, and the guy’s face even shifted to the left. I think he deserves that.
“How dare y-you! What is wrong with you! I gave you… everything!” Lalong lumakas ang hikbi ng babae. Should I be seeing this?
Hinarap muli siya ni Esteban. Now his eyes are apologetic. “I’m sorry, Jess.” Saka ito tumalikod at naglakad palayo. Douchebag! Ang kapal ng mukha! Is he gay?!
Nang makaalis ang lalake ay tinignan ako ng diretso ng babae. She looks… desperate. Maganda siya, maputi, makinis, chinita. Wavy ang blondish hair niya, matangos ang ilong niya, maninipis ang labi, she’s slim. Mukha siyang model. She looks like a fallen angel. Kung hindi ko lang sana naabutan yung nangyayari kanina, I could’ve mistaken her for an angel.
“T-this is your fault! I’m already there! I-I was about to—“ Humikbi pa ang babae at hinilamos ang dalawang kamay sa mukha. Shocks this is awkward, and intense. Di ko alam kung anong dapat kong gawin o sabihin. And I don’t even know her. “This is all your fault”
I know, I shouldn’t care. I know may kasalanan ako. But I didn’t let that event affect me. I transferred here at St. Gregory University dahil lumipat kami ng bahay. Kinailangan ko magtransfer kahit na graduating na ako at second semester na. So everything here is a big question mark, and I have no plans of answering it. Gusto ko lang gumraduate. That’s all. But it seems like kailangan ko makisama.
BINABASA MO ANG
Our Forgotten Tale [COMPLETED]
RomanceUNEDITED What if yesterday started to belong in the past... In a blurry memory... A dream? What if all you've gained, all you've fought for have been long forgotten? What if you start to be unseen, unheard, unremembered by the one you dearly loved...