Ika Tatlumpu't Isang Kabanata

8.8K 167 7
                                    

Hello there, salamat po sa pagbabasa at pagappreciate ng OFT. Dedicated to sa'yo, enjoy :)

BABALA: Summer ngayon, mainit. Alamnathiz.

Ika-Tatlumpu't Isang Kabanata

Frustrating

"Iniwan mo ako," Ngumuso ako dahil sa tono ng pananalita ko. Dapat galit yung tono eh, pero bakit palambing naman yata ang lumabas sa bibig ko.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Napalingon ako sa kan'ya sa driver's seat. Ngumisi lang siya sa akin.

"I'm sorry, I just needed space to think. Isa pa, akala mo ba madali lang i-set up yung kanina?" Humalakhak siya.

Kung sabagay, kung ako rin malalaman kong may malalang sakit ang mahal ko, malamang kakailanganin ko rin ng oras para magisip at iabsorb. Hindi ito madaling tanggapin, at mabilis na ang dalawang araw para mantindihan ang sitwasyon. Dapat nga mabilib pa ako sa kan'ya dahil nagawa niya yon tanggapin sa loob ng napakadaling panahon.

"Don't worry, Bella. Hindi na ako mawawala sa'yo. Bawat segundo, sisiguraduhin kong masaya ka. Everything else doesn't matter anymore."

Parang may humaplos sa puso ko at hinehele hele ito. Sa mga salita niya, pakiramdam ko magiging ayos lang ang lahat. I'm willing to trust him, no I mean I trust him with everything of me. It feels like I'm giving him a knife yet still hoping he wouldn't use it against me.

Hindi ko alam kung paano basta nakita ko na lang ang sarili ko sa condo niya. First time ko rito kaya naman nilibot ko ang sala. Napakalinis, hindi mo aakalaing lalaki pala ang nakatira rito. May ceiling-to-floor window sa sala, overlooking the city. Ang ganda.

Unlike sa kwarto niya sa probinsya, modern ang istilo ng kwartong ito. White wall, direct lighting, cool ventilation. Sinulyapan ko siya na dumiretso sa kusina, and he's again topless. What would you expect? Pero mabuti na lang at nakatalikod siya, at least kaya ko pang iresist ang ganda ng katawan niya. kaya ko pang iresist yung malapad niyang balikat at ang medyo pawis niyang likod.

Umirap ako dahil sa mga naiisip ko. Maya maya pa ay lumabas siya mula sa kitchen na may hawak na baso ng malamig na tubig. Holy cow, ito na nga ba ang iniiwasan ko eh. Yung abs niyang shape na shape sa tyan niya. Lalong naging nakakasilaw ito dahil pinagpapawisan siya.

Hip bone. Hip bone! Shocks. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize na naka-boxer shorts na lang pala siya. The way his boxers hung over his hips makes my heart leap like a 5-year old child. SERIOUSLY?! Naghubad siya sa kusina?

Napalunok ako nang bumaba pa lalo ang tingin ko. Bakit ba bakat na naman yan? Nakakafrustrate na ang pagiging bakat niya.

Tumikhim siya dahilan para maibalik ako sa realidad. Agad kong inangat ang tingin ko sa mukha niya at itinikom ang kanina pa palang nakabukas na bibig ko.

Ngumisi siya, yung ngising nakakapa-loose thread ng panty.

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon