Lumabas kami ng kwarto na magkaholding hands. Hindi matanggal ang ngiti sa mukha niya. Hindi ko na sasabihin ang naging reaksyon niya sa nangyari, it was very epic and priceless. Nagyakapan lang kami. Hihi. Promise! Nagyakapan lang. LOL!
Ako naman ay hindi na rin matanggal ang pagkapula ng pisngi ko. Nakakainis, napaghahalataan tuloy kami. Sumisipol sipol pa siya.
"Good day sir, ma'am." Ngumiti sa amin ang isang babaeng nakasalubong namin na nakaunipormeng pangmaid.
"Girlfriend ko." Sagot ni Esteban at hinapit ako palapit sa kan'ya. Bago ko pa man makita ang reaksyon ng babae ay muli na kaming naglakad. Kinurot ko ang isang 'to sa tagiliran niya.
"Ow!" Ngiwi niya pero nakangisi pa rin "What?"
"Bakit kailangan mo yun gawin?" I rolled my eyes
"Of course! They need to know kung sino ang magiging amo nila." He winked at me. Ngumiti na lang ako.
God, I can't believe it. This Adonis beside me, so perfect, is in love with me. At ngayon, may tatak na kami sa isa't isa. Because he is my boyfriend. The word itself gives me butterflies.
Sinabi niya sa lahat ng nakakaalubong namin yung sinabi niya sa isang maid kanina. Napapailing na lang ako at hinihigit siya palayo dahil sa kahihiyan. Pero hindi ko maiwasang hindi kiligin. How can he be so proud of me gayung ganito lang naman ako? I'm not as capable as he is, or as other girls are.
Nakarating kami sa sala. Nasa bewang ko ang braso niya at sabay sabay namang lumingon sa amin ang buong grupo. Their jaws dropped sa nakita.
"Girlfriend ko." Sabi ni Esteban sabay halik sa pisngi ko. Loko talaga! Muling uminit ang pisngi ko at nakita isa isa ang mga naging reaksyon nila. Of course alam kong may gusto si Denisse kay Esteban pero hindi ko inaasahang maluha luha siya nang makita ang simpleng gesture niya sa akin.
Normal lang ang tingin ni Sapphire at binalik ang atensyon sa TV. Samantalang si Blair naman at Joanna ay mukhang masaya para sa akin. Nakipaghigh five ang mga lalaki kay Esteban and for the first time ay nakipaghalakhakan siya sa mga ito.
Biglang dumating si Manang sa kabila ng kasiyahan.
"Taffy," bulong niya kay Esteban.
"Po?" Naglakad si Esteban papunta kay manang. May binulong si manang na agad nakapagpasaya lalo sa mukha ni Esteban. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Kinakabahan man ay ngumiti ako pabalik sa kan'ya. Umalis ang matanda sabay paglapit sa akin ni Esteban.
"Tara," He offered his hands. Kumabit ako sa braso niya. Ganito pala ang pakiramdam ng may boyfriend. I feel loved, safe, secure, and I feel beautiful dahil yun ang sinasabi ng mga mata niya.
Nagpaala siya sa grupo at sabay kaming nagtungo papunta sa hagdan.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang paakyat kami ng hagdan.
"Kina mom, pakikilala kita." He said proudy. Agad ako napabitaw sa sinabi niya. Tumigil ako sa pagaakyat and looked at him intently. Kakasagot ko pa lang sa kan'ya kanina tapos ipapakilala na niya ako agad? That's too much to absorb. Besides, dahil lahat ng ito ay bago sa akin ay hindi ko pa alam kung paano sila haharapin. Plus, they are Flordeliza's for pete's sake!
"What?" Humalakhak siya "They won't eat you Bella."
Nagawa niya pa talagang magbiro sa ganitong pagkakataon, eh pakiramdam ko iniwan na ako ng kaluluwa ko dahil sa sobrang kaba. What will they be look like? How will they react kapag nalaman nilang tulad ko lang ang magiging girlfriend ng anak nila? Will they be mad?
BINABASA MO ANG
Our Forgotten Tale [COMPLETED]
RomansaUNEDITED What if yesterday started to belong in the past... In a blurry memory... A dream? What if all you've gained, all you've fought for have been long forgotten? What if you start to be unseen, unheard, unremembered by the one you dearly loved...