Ika-Dalawampu't Apat na Kabanata

8.9K 189 3
                                    

Ika-Dalawampu't Apat Na Kabanata

You'll Be Punished

I don't know if he just proposed or whatever, pero hindi ko siya sinagot nang gabing iyon. I just gave him a weak smile. Marriage is such a big word, it's a sacrament na hindi ka pwedeng basta basta na lang magbaback out. Wala pa kaming malakas na pundasyon sa relasyon namin dahil wala pa nga kaming isang buwan. And natatakot akong baka isang araw bigla na lang siya magsawa sa akin while on the process. Hindi ko iyon matatanggap. Baka mabaliw na ako.

Mabilis nagdaan ang panahon. Noong new year ay hindi ko siya nakasama kasi pinauwi siya ng mom at dad niya, ayos lang naman dahil kausap ko siya mgdamag kaya parang magkasama na rin kami.

Si Seth ay kasama pa rin si Jessica noong gabing iyon. Kaya hindi masyadong maganda ang view.

Lumuwas din naman muli si Esteban ng Maynila pero hindi pa kami nagkitkia. He was busy preparing sa pagturn over sa kanya ng malaking parte ng kompanya. Malapit na kaming gumraduate at kailangan na niya ng exposure sa buhay pagkatapos ng university, sa buhay na hindi ako kasama. Napabuntong hininga ako, I miss him already. Although he made sure na andoon pa rin ang communication namin. Nahihiya na nga ako sa parents niya eh, mukhang di siya nagfofocus sa pinapagawa sa kan'ya.

Balik school na naman, university week. Kaya nakacivilian kami for a whole week, pero napagdesisyunan kong wag na muna pumasok at magapply na lang para sa OJT ko.

Tinignan ko ang resume ko sabay lingon sa malaking building sa harap ko. Papasok na sana ako kaso biglang nagvibrate ang phone ko.

Incoming call: Esteban

"Hel--"

"Asan ka?" Dirediretso niyang tanong. Napakunot ako ng noo.

"Hmm. Dito sa ARC Corp, magaapply para sa OJT."

"Alright, hintayin mo ako sa Starbucks just beside that building. Tatapusin ko lang 'tong meeting."

"Hmm, okay." I said at binaba ang tawag.

My heart was racing dahil this is the first time na magkikita kami ngayong taon. Hindi ko mapigilang hindi matuwa at kiligin. Dali dali akong pumunta sa Starbucks at nagorder ng caramel macchiato. Habang hinihintay ay pumunta muna ako sa CR para magayos. Naglagay ako ng powder at lipgloss sa labi ko. Hindi naman ako naglalagay ng mga ganito pero dahil sa pagiging paranoid ko ay hindi ko na maiwasang makipagkompetensya sa dami ng babaeng nagkakagusto kay Esteban.

Lumabas ako, kinuha ang order ko, at naghanap ng mauupuan. Mga sampung minuto rin ako naghintay bago siya dumating, still in his adrenaline rush. Mukhang nagmamadaling magdrive papunta rito.

"Hi," I greeted habang unti unti kong pinupuri sa utak ko ang perpekto niyang mukha, isama pa ang magulong buhok lalo na't naka-coat and tie siya ngayon. He looks very much like a man in his suit. Napalunok ako dahil sa biglaang paginit ng paligid.

"Hey." Umupo siya sa kaharap kong upuan. Isang minuto pa ako nakatulala sa kan'ya, halos malaglag na ang panga ko sa kagwapuhan niya.

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon