Ika-Labing Limang Kabanata

9.8K 236 9
                                    

Ika-Labing Kabanata

"Ma!" Napabalikwas ako ng tayo at agad itinago ang cellphone sa likod ko. Ngumiti ako ng malaki sa kan'ya.

"Suuus."

Hinalikan ko siya sa pisngi. Dumiretso siya sa kusina para ilagay ang mga bag na may laman na grocery. Sinundan ko siya. Agad inayos ni manang ang laman ng bag. Dumiretso naman si mama sa ref at kumuha ng baso ng tubig.

"Kailan mo ba sa'kin ipapakilala yan anak?" Humarap siya sa akin nang nakangiti.

"H-Hindi naman po niya ako gusto eh."

"Ano yung text niya sayo? Nako, mga batang ito."

"Mama aalis po ako bukas." Pag-iiba ko ng topic. Effective naman, medyo.

"Oh? May date kayo?" Tanong niya. Napailing ako.

"No ma. Isinali kasi ako doon sa indie film na ipapalabas sa university week. Don't worry, bibigyan ko kayo ng copy. Ayun, matatapos na namin ang tapings. Tapos may party. Sige na ma, please?"

"Hmm. Saan ba yan? Basta mangako ka na hindi ka uuwing buntis ha?"

Nawalan na naman ako ng dugo sa mukha ko "Of course mama!"

"Sige. Dito ka magpapasko at new year ha? And iupdate mo ako kung anong ginagawa niyo."

Lumapit ako sa kan'ya at niyakap siya. "Of course ma, I won't miss it for the world."

Dali-dali akong nagimpake. Pagkatapos ng 30 minutes ay agad kong inabot ang phone ko. Nagsimula akong magtype.

To; Esteban

Sige na nga, pupunta na ako.

Nagdive ako sa kama habang naghihintay ng reply galing sa kan'ya. Wala pang isang minuto ay nagtext na siya.

From: Esteban.

Alright. See you tomorrow :)

"Hi Bella!" Salubong sa akin ni Sapphire. Bumaba siya sa isang SUV. Sa likod nito ay nakapark ang Audi ni Esteban. Nakashorts siya at hanging top, tsaka nakashades. Niyakap niya ako. Kumaway din ang iba pang mga artista na nasa loob ng SUV "Buti sumama ka."

Andito sila ngayon sa harap ng bahay ko para sunduin ako. Sayang nga at umalis na si mama at papa, hindi ko man lang sila naipakilala. Nagulat ako nang biglang iginapang ni Esteban ang braso niya sa bewang ko. Napangisi si Sapphire.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Ngayon ko lang kasi narealize na hindi ko pa pala alam kung saan pupunta.

"Hindi pa ba nasabi sa'yo ni Esteban? Doon tayo sa kanila!" Ngiting ngiti si Sapphire. Ngumiti rin ako ng plastik at tinignan ko rin si Esteban. I gave him the 'you-are-so-dead look. Ngumisi lang siya. Ayan na naman siya, ginagamit niya ang kagwapuhan niya against me. Tsk.

"Tara!" Muling tugon ni Sapphire saka tumalikod at muling sumakay sa SUV. Tinanggal ko ang kamay ni Esteban sa bewang ko at sinundan si Sapphire. Sasakay na rin sana ako sa SUV nang makita kong puno na ito. Lumingon ako kay Esteban na nakapamulsa sa kinatatayuan niya.

"Dito ka sakin." Simple niyang sagot. Inirapan ko siya bago tuluyang pumasok sa kotse niya. Ang walang hiya, sabi niya pa lang kagabi hindi siya sasama kapag hindi ako sasama. Paano siya hindi makakasama kung doon lang naman pala sa kanila? Nakakainis.

Nakangisi siyang umupo sa driver's seat. Inayos niya ang seatbelt niya kaya nama'y inayos ko na rin yung akin. Sinulyapan ko siya at namula ang pisngi ko nang makitang nakatingin din siya.

"Bakit ka namumula?" Diretso niyang tanong. Inirapan ko siya bago muling tumingin sa labas. Pinaharurot niya ang sasakyan.

Say something i'm giving up on you

Nagsimulang magkanta ang nasa radyo. Yung totoo, wala na bang ibang music?

I'm sorry that i couldn't get to you.

"Favorite mo?" Tanong ko.

Tumango lang siya.

"WOW. Ang ganda." Agad na sabi ng mga babae pagkababa namin sa Audi ni Esteban. Kakababa lang din nila sa SUV na dala ni Adrian. "Grabe! Worth it ang byahe."

Trust me, girl, I've been there before. Kinuha ko ang handbag ko at nakitunganga sa ganda ng view mula rito sa garden. May mga nakaunipormeng nagdala ng mga bagahe namin. Ilang minuto kaming ganon nang magyaya na si Esteban na pumasok sa kanila. Syempre kinailangan pa naming maglakad bago makapunta sa main house nila. Mas natagalan nga kami ngayon dahil sa mga co-actress ko na walang ginawa kundi magpicture. Kulang na lang, magpapicture sila sa mga butterflies sa garden.

"Taffy!" Salubong sa kan'ya ni Manang Magda nang makapasok na kami sa loob ng mansyon. As usual ay may buntot pa rin siyang dalawang katulong. Yumakap ito rito ng mahigpit. "Oh, asan si Bella?" Inisa isa niya kaming magkakasama hanggang sa nahagilap ako ng mata niya. Napatingin sa akin sina Sapphire, Denisse, at Blair. Hindi ko sila pinansin at nagmano kay Manang Magda.

"Sabi ko na nga ba't kasama ka rin dito ineng." Ngumiti siya sa akin "Oh, halina kayo mga bata. Doon na tayo magkwentuhan sa hapag." Nagsimula siyang maglakad. Sinundan naman siya ng mga lalaki pati na rin ni Sapphire. Pero ibang mga babae ay nakitsismis pa sa akin.

"Wow, Bella. Nakapunta ka na rito?" Sabi ni Denisse

Tumango ako ng kaunti. Halos tumili na sila.

"SHET! Grabe! Ang swerte mo!" Halos mamatay naman sa kilig si Blair.

"Uy ano ka ba, may project kami non kay Sir Gilbert." Pagdedepensa ko.

"Kahit na, ano. Ang alam ko noon, pinipilit ni Jessica si Esteban na pumunta rito pero di siya pumayag. Tapos ikaw, project? Hayy." Sabi naman ni Joanna.

Namilipit na naman ang tyan ko. Bakit ba pakiramdam ko espesyal ako kahit hindi naman siguro? Nagsimula na kaming maglakad finally nang makitang hinihintay pala kami ng iba sa may hagdan.

Nang makarating sa second floor ay agad silang nagsiupuan sa mga upuan sa dining chair. Ako na naman ang nahuli. Si Esteban ang nasa dulo, bakante ang upuan sa right niya habang si Vincent naman ang nasa left. Uupo na sana dito si Sapphire.

"No. Si Bella d'yan."

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon