"Picture tayo Bella!" Tinapat sa akin ni Denisse ang phone niya at pinindot ang capture. Agad din naman siyang naglakad palayo para magpicture din sa iba.
Inayos ko ang itim na toga ko saka inilibot ang tingin ko. Kanina pa natapos ang seremonya at kanina ko pa rin hinahanap si Esteban pero hindi ko siya makita. Hindi nga siya umakyat ng stage para kunin ang kan'yang diploma. Napabuntong hininga ako.
"Congratulations!" Agad na bati sa akin ni mama at papa. Niyakap ko sila.
"Thanks ma, pa." Dapat masaya ako ngayon pero ni kaunting kasiyahan ay wala akong nararamdaman. Alam ko namang masasaktan ako kapag nakita ko si Esteban pero mas gusto ko na yon kaysa sa ganitong pakiramdam, kulang, nasasaktan, malungkot.
"Saan mo gusto pumunta, anak? Kahit saan, pupuntahan natin. Gusto mo punta pa tayong Hongkong eh." Humalakhak si papa sa sariling biro.
Umiling lang ako, kahit pagngiti hindi ko magawa ngayon.
"Uwi na lang po tayo, magpapahinga na ako."
Naglakad ako palayo sa kanila, alam kong alam nila ang nararamdaman ko, pero walang makakaintindi nito. Bawat hakbang ko ay may bumabati sa akin, may mga nagpapapicture.
"Bella! Shocks, graduate na tayo! Saan ka magwowork?"
Inangat ko ang tingin ko at tinignan si Blair na napakalaki ng ngiti. Nagkibit balikat ako at pinilit na ngumiti sa kan'ya, at sa wakas ay nagawa ko naman.
"Okay ka lang ba?" She asked with full concern.
Tumango ako bago siya hinila ng isa niya pang kaibigan, at hayun nakita ko na lang siya na ngumingiti sa bawat flash ng camera. Pinahid ko muli ang luha na dumaloy sa mga mata ko at dumiretso sa carpark kung saan nakapark ang sasakyan ni papa.
Binuksan niya ito at pumasok ako. Nobody was talking, dahil alam nilang kahit anuman ang sabihin ngayon ay hindi ito makakatulong sa akin. Hinubad ko ang toga ko at ipinatong ito sa tabi ko. Narinig ko na lang ang pagharurot ng sasakyan ni papa. Hinawakan ko ng mabuti ang music box na binigay ni Esteban. Pumikit ako at binuksan ito, sabay ng pagrinig ko ng kanta.
Napahikbi ako, ni wala na akong pakialam na ksama ko sina papa at mama ngayon. Hinaplos haplos ko ang mukha ng miniature ni Esteban. Nakangiti ito sa akin. Nababaliw na yata ako pero hinalikan ko ang miniature niya, dahil miss na miss ko na siya.
Ilang araw na rin kasi simula nang pangyayaring iyon, and he never failed to catch up to me. He keeps on sending me flowers, sweet messages, kahit hindi ako sumasagot. Pakiramdam niya kami pa rin, and that what hurts the most.
Malayo pa lang kami ay kitang kita ko na ang Audi ni Esteban na nakapark sa tapat ng bahay namin. Habang papalapit kami ay nakita ko siya na nakasandal dito, may hawak siyang flowers. Napayakap ako sa sarili ko, at napakagat sa labi ko. He used to warn me sa pagkagat ng labi ko, pero ngayon, I can't even come near him.
Tinignan ako ni mama, concern is painted all over her face.
BINABASA MO ANG
Our Forgotten Tale [COMPLETED]
RomanceUNEDITED What if yesterday started to belong in the past... In a blurry memory... A dream? What if all you've gained, all you've fought for have been long forgotten? What if you start to be unseen, unheard, unremembered by the one you dearly loved...