Tatlong buwan. Hindi ko inakalang aabot kami kahit tatlong buwan lang. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala kung ano ba ang nakita niya sa akin para tuluyan siyang mahulog. Napapangiti na lang ako kapag naaalala ko kung paano kami nagsimula. May mga bagay nga talaga sa mundong hindi mo man pinlano ay ibibigay sa'yo. Hindi ko nga maisip kung ano ang napakagandang bagay na ginawa ko para mangyari ito sa akin ngayon.
Hindi ko rin inakalang seryoso si Jessica sa sinabi niya. Nakikita ko sa kan'ya ang effort niya na magmove on. Naaappreciate ko rin naman ito at unti unti ko nang nakikitang sumasaya na sila ni Seth. Hindi ko makakalimutan yung panahong nagpasalamat sa akin ni Seth. Sabi niya kahit ayaw niya raw kay Esteban para sa akin ay sa tingin niya may maganda rin itong naidulot.
Pero para sa akin, lahat nang naidulot nitong relasyon namin ay maganda. I've learned to see the brighter side of life through him. Masaya ako dahil nakikita kong masaya rin siya sa aming dalawa. Napakasarap sa pakiramdam. Yung iba riyan ay sapat nang makitang masaya ang mahal nila, pero ako, masaya na ako, masaya pa ang mahal ko.
Graduation is also fast approaching. Next week na ito kaya naman todo asikaso kami ng lahat ng requirements. Sa wakas ay makakapagsuot na rin ako ng itim na toga. Sa wakas ay may mapapatunayan na rin ako sa aking pamilya.
Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ramdam kong mahal na mahal Niya ako. Ganito man ako ay alam kong hindi Niya ako papabayaan.
Ngayong 3rd monthsary namin ay binigyan niya ako ng day off. Napagpasyahan kong gumawa ng regalo na magpaparamdam sa kan'ya kung gaano ka espesyal ang araw na ito.
Umupo ako sa upuan ng piano. Agad kong kinuha ang video recorder at tripod saka ito tinapat sa akin. Matagal tagal na akong hindi kumakanta at tumutugtog ng piano. Tinalikuran ko na ang lahat nang iyan dahil nawalan ako ng pag-asa. Pero ngayon na andito si Esteban na nagbibigay sa akin ng lakas ay susubukan ko na muling tumugtog.
I started playing the piano, while singing a song for him. His favorite mellow song.
Say something I'm giving up on you
I'll be the one if you want me to
Anywhere I would have followed you
Say something I'm giving up on you...
Nang matapos ang mini-surprise gift ko sa kan'ya ay agad kong inedit ang video on my laptop, then burned it on a CD. Dahan dahan ko itong pinasok sa isang plastic. I glanced at the clock. Patay. 7PM na, sabi ni Esteban susunduin niya daw ako for dinner at 7:30. Dali dali kong chineck ang phone ko kung may text message pero wala. Kaya naman I did not waste a second, naligo na ako agad.
Nang matapos ay sinuot ko ang dress na pinahiram pa sa akin ni Jessica. Yes, we became friends again at sinabi niyang ito ang suotin ko ngayon. Binili niya pa nga ito para sa akin pero sabi ko ay hihiramin ko lang.
Isa itong bodycon dress na itim. Ayoko naman kasi magmukhang katulong sa tabi ni Esteban kahit ngayong gabi lang. After doing the rituals ay nagpatulong ako kay mama magayos ng buhok at mukha. She helped me apply light make up and held my hair up into a bun. Hindi ko nga alam na may ikakaganda pa pala ang mukha ko after seeing myself in the mirror.
BINABASA MO ANG
Our Forgotten Tale [COMPLETED]
RomanceUNEDITED What if yesterday started to belong in the past... In a blurry memory... A dream? What if all you've gained, all you've fought for have been long forgotten? What if you start to be unseen, unheard, unremembered by the one you dearly loved...