Ika-Tatlumpu't Apat na Kabanata

6.5K 132 1
                                    

Ika-Tatlumpu't Apat na Kabanata

“Hija kami na lang muna ang magbabantay dito, umuwi ka na muna at magpahinga.” Kinalabit ako ni mommy at ngumiti. Yung ngiting nanghihina.

Umiling iling ako, pinipilit na hindi umiyak. “Hindi na po mommy. Gusto ko ako ang una niyang makikita kapag nagising siya, baka kasi pagalitan niya ako.” Humalakhak ako ng mahina kahit alam kong sarili ko lang ang niloloko ko.

Tumulo ang luha sa mga mata ni mommy at niyakap ako. Doon na lang muli bumuhos ang damdamin ko. Ilang araw na matapos ang aksidente pero hindi pa rin siya gumigising. Kahit kaunting paramdam lang please.

“Mommy,” Humikbi ako at niyakap siya pabalik “Mommy ang tagal niya po gumising.”

She caressed my hair. Nakita ko si daddy at ang sakit at awa sa mga mata niya. Napapikit ako at lalong napayakap kay mommy.

“Malapit na hija. Hindi ka niya iiwan.”

Napalunok ako. I can’t imagine myself kapag iniwan niya ako. I can’t imagine my life kapag wala na siya. “Dito lang ako mommy. Ayokong mapagalitan niya. Ako ang una niyang hahanapin.” Kumawala ako sa yakap. Ngumiti siya ng mapait at tumango.

“Tumawag ka sa amin kapag may kailangan ka ha?”

Ngumiti ako, at tumango. Ni hindi ko alam na kaya ko pa palang ngumiti. Muli akong umupo sa upuan katabi ng kama ni Esteban. Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto. Ngumiti ako sa itsura ni Esteban. Ang gwapo gwapo talaga ng asawa ko.

Hinawi ko ang iilang hibla ng buhok sa mukha niya at hinalikan ang labi niya. Namimiss ko na ang bilis ng paghinga niya tuwing ginagawa ko ito noon. Ngayon wala, ni response wala akong nakuha. Inangat ko ang mukha ko at huminga ng malalim. Ang daming nakatusok sa katawan niya. I’ve never seen him so vulnerable.

Tumayo ako at lumapit sa sketch na dapat ay regalo niya sa akin. Isa itong sketch naming dalawa. Sa likod ay may malaking bahay, at sa gilid naming ay may tatlong bata. It’s a family portrait of our future. Napangiti ako at ipinakita ito sa kan’ya.

“Alam mo baliw ka talaga. Anong pumasok sa kokote mo at inuna mo pa ito kaysa sa buhay mo?” Muling nahanap ng mga luha ko ang exit ng mga mata ko.

Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamay niya, hinalikan ko ito, at muli akong nanghina. Humikbi ako sa kamay niya.

“Alam mo ba pag nagising ka, pupunta tayo roon sa bodega. Naaalala mo ba yun? Nakakatuwa nga eh, nagkasakit ako non. Ang hina talaga ng resistensya ko.” Tinignan ko siya, he’s still not moving.

 “Gising na please. Esteban, miss na miss na kita. Nakakahiya na doon sa pari, ilang lingo na siyang naghihintay.”

“Don’t leave me. Please. Ang selfish mo! Bakit ka ganyan?! Uunahan mo pa talaga ako? Ako yung nandyan dapat eh!”

Humagulhol ako sa iyak habang tinititigan ang mukha niya. Mukha ng mahal ko, ng asawa ko.

Dear Esteban,

Please guide me. I don’t wanna give up.

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon