Ika-Labing Walong Kabanata

8.5K 218 7
                                    

Ika-Labing Walong Kabanata

Fast and hard

"Bella!" Muli niya akong hinabol pero this time hindi na talaga ako lumingon pa sa kanya. Nakakainis, inis na inis ako sa kanya na anytime pwede akong sumabog.

Agad akong pumasok sa bahay niya at dirediretso sa guest room, hindi ko na pinansin pa ang grupo na nanunuod sa sala. Hindi rin naman nila ako nakita.

Nang makapasok sa guest room ay kinuha ko ang bag ko sa cabinet. Uuwi na ako nang Maynila. Tapos naman na ang business ko dito kaya pwede na akong umalis. Di bale nang hindi pa ako nakakaligo, doon na lang sa bahay. Ramdam ko ang mainit na likido sa dulo ng mga mata ko at ginawa ko ang lahat para hindi ito tumulo.

"Bella, saan ka pupunta?"

Nasa tabi ko na pala siya. Hindi ko man lang napansing nabuksan na niya ang kwarto. Tingnan niya ang bag na hawak ko at inagaw ito sa akin.

"Ano ba, ibalik mo nga yan sa akin!" Tikhim ko "Uuwi na ako ng Maynila."

"Kung ganon sasama ako"

"Nababaliw ka na ba? Hindi mo sila pwede iwan dito!"

"Lahat pwede kong gawin para sa'yo."

I rolled my eyes "Ibalik mo sabi ang bag ko!"

Nagigting ang panga niya. Halos nakalimutan kong galit pala ako sa kan'ya dahil sa kagwapuhan niya. Ang sarap niyang titigan araw araw.

"Bella, nagseselos ka ba?" Seryoso niyang tanong

"Paulit ulit ka na ha. Hindi nga sabi." Humalukipkip ako.

Nabigla ako nang ikulong niya ako sa bisig niya. Naramdaman ko rin ang cabinet sa likod ko. Shit. Nakipaglaban ako ng titigan sa kan'ya.

"Damn, I'm the happiest man kapag magseselos ka." Aniya

Tinaasan ko siya ng kilay "Ano ngayon kung nagseselos ako?" Totoo naman. Yun ang dahilan kung bakit inis na inis ako kanina pa. Pumula ang pisngi ko nang makitang umangat ang isang dulo ng labi niya. He's giving me the hottest smirk ever. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at bumaba ang tingin niya sa labi ko.

"Stop biting your lip, Bella. You know the consequence."

Holy shit. Agad kong tinanggal ang pagkagat ko sa labi ko. Nanghina ang tuhod ko nang idikit niya ang mga dibdib namin. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya, sabay sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Sabihin mo nga ulit." His tone became hoarse and husky.

"Huh?" Gusto kong takpan ang bibig ko dahil sa tono ng sinabi ko. Nalasing na ako sa titig niya kaya parang ungol na ang lumabas sa bibig ko.

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon