Ika-Tatlumpu't Pitong Kabanata (Yes, this really is the 37th chapter though 32nd yung previous)
Esteban’s POV
“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa napakagandang babae sa harap ko. Ngumiti lang siya sa akin mula sa driver’s seat.
“Basta, magugustuhan mo roon.” Binalik niya ang tingin niya sa daan. Tumango na lang ako at lumingon sa bintana.
Ilang minuto pa nang magpark siya sa labas ng isang ospital. Napalingon ako sa kan’ya nang nagtataka.
“Tara na?” She said very sweetly. Napatango na lang ako at binuksan ang pinto. Dumiretso kami sa loob ng ospital at sumakay sa elevator bago makarating sa labas ng isa sa mga kwarto rito. Hinawakan ko ang kamay niya, pero pakiramdam ko may mali. Pakiramdam ko may kulang.
“Jessica, bakit tayo narito?” Tanong ko sakan’ya, kitang kita ko ang lungkot sa kan’yang mga mata.
Hindi niya ako sinagot, binuksan niya lang ang pinto. “Pasok ka, esteban. Hihintayin na lang kita rito.”
Hindi ko alam kung paano basta’t pakiramdam ko may sariling utak ang mga paa ko at gumalaw na lang sila papasok. Lumakas ang tibok ng puso ko. Narinig ko ang pagsarado ng pinto pero hindi ako lumingon sa likod, dahil pakiramdam ko may dapat akong makita sa kwartong ito.
Dahan dahan akong naglakad dahil bumibigat na ang dibdib ko. Nakita ko ang isang babae na nakahiga sa kama ng ospital. Napakapayat niya, napakatamlay. Parang hinang hina siya, pero nakita ko ang pagngiti niya ng makita ako.
May kung ano sa puso ko na parang sinuntok ito. Nasasaktan ako at hindi ko alam kung bakit. Lumapit agad ako sa kan’ya dahil may kakaibang koneksyon akong naramdaman, kakaibang pamilyaridad. Para bang matagal na kaming magkakilala. Hindi ko alam.
“N-Nakapunta ka.” Halos pabulong niyang sabi kahit hinang hina na siya, pero ramdam ko ang saya sa kan’yang boses. Nasaksihan ko ang pagtulo ng luha sa kan’yang mata. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang hagkan.
Kumunot ang noo ko sa kakaibang pagtibok ng puso ko.
“S-Sino ka? Magkakilala ba tayo?”
Tumango siya ng mahina. “T-tanungin… Tanungin mo ang puso mo, E-Esteban.”
Bumuhos ang luha kong kanina pa nagbabadya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito. Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. Dahan dahang gumalaw ang kabilang kamay niya at inabot sa akin ang isang notebook.
Agad ko itong inabot at tinitigan siya. Sobrang putla ng kan’yang labi, ng kan’yang mukha.
“P-Pasensya ka na, h-hindi…” Huminga siya na para bang hirap na hirap “Hindi na kita makekwentuhan. B-Basahin mo na lang. P-Para kahit paano, buhay ako sa puso mo.”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, agad ko siyang hinalikan sa labi. Ramdam na ramdam ko ang init ng kan’yang luha sa pisngi ko, pati na rin ang init ng luha ko.
Kumalas ako sa halik at tinitigan ang mga mata niya, nakahanap ako ng kasiyahan dito. Hindi ko mapaliwanag, kakaiba.
“Mahal… na mahal… kita… Esteban.” Ngumiti siya ng sobrang tamlay. “Ikaw lang. Hindi kita makakalimutan. Kahit k-kinalimutan mo na ako.”
Pilit kong nilulunok ang kung anong nakabara sa lalamunan ko. Hinawi ko ang iilang buhok sa mukha niya. At hindi ko alam kung paano nangyari pero kusa na lang nagsalita ang bibig ko. “Mahal na mahal din kita.”
Ipinatong ko ang noo ko sa noo niya bago kumuha ng lakas ng loob.
Muli ko siyang hinalikan.
BINUKSAN ko ang notebook kinagabihan at muling nagunahan ang luha sa mga mata ko nang makita ang isang litrato. Litrato ng dalawang tao na nakasakay sa isang kabayo. Agad kong nakilala kung sino ito, ako at yung babae kanina sa ospital. Napasabunot ako sa sarili ko dahil wala akong matandaan!
Hinaplos ko ang nakasulat sa pinakaunang pahina.
Property of Bella Kaicey Montenegro-Flordeliza (who is a property of Esteban Carlos Flordeliza hihi ♥)
Napangisi ako sa nakasulat. Lumunok ako bago binuksan ang susunod na pahina.
BINABASA MO ANG
Our Forgotten Tale [COMPLETED]
RomanceUNEDITED What if yesterday started to belong in the past... In a blurry memory... A dream? What if all you've gained, all you've fought for have been long forgotten? What if you start to be unseen, unheard, unremembered by the one you dearly loved...