Ika-Labing Tatlong Kabanata
A Good Kisser
"Ma. How do you know that you're in love?" Sabi ko kay mama nang makita siya sa dining table na naglalaptop. Agad niyang sinarado ang laptop niya at tinignan ako. Ngumiti siya.
"Sa papa mo noon, I knew I was already in love dahil konting dikit niya pa lang sa akin ay nakukuryente na ako. There was this... invisible spark baby. There was this unheard music in your ears. There were fireworks in his eyes. You'll know you're in love when your heart tells you so."
Kumunot ako ng noo. Parang naguluhan ako sa sinabi niya. Humalakhak siya ng mahina.
"Oh, my baby is growing up. Who's the lucky guy?"
Napayuko ako at napakagat sa labi.
"Is it this Esteban you were saying dati?"
Pakiramdam ko nawalan na ng dugo ang mukha ko. This is the first time I've ever felt this, kaya naman first time kong makipagusap kay mama ng mga bagay na ganito. I feel really awkward.
"Natatakot ako mama"
"Don't be, honey. Love is never conditional. Kaya kung mahal mo man ang isang tao, hindi ka matatakot basta't pinapakita mo ang nararamdaman mo. You don't have to expect anything. Because love will always find its way."
Napaisip ako kinagabihan non. Hindi ko alam kung ano ako kay Esteban. Gulong gulo na ako sa sitwasyon namin. Yes, we're kissing. Yes, he's sweet. Pero sa akin lang ba limited ang mga ginagawa niya? How will I know if I'm just one of the many? Ni hindi ko nga alam kung ano ako sa kan'ya, kung ano ang naiisip niya tungkol sa akin.
Habang nakatingin sa ceiling ay iniisip ko rin ang tamang pangalan sa nararamdaman ko. Esteban always gives me the shivers. Hindi ko maintindihan ang kakaibang pagpilipit ng tyan ko tuwing nariyan siya. Nasasaktan ako kapag nasasaktan siya, at lagi ko siyang gusto makita. Is this love? Do I really love him? Sa ganoon kadaling panahon, isang buwan, posible bang pag-ibig na agad itong nararamdaman ko?
Habang nagmumuni muni ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha nang nakangiti, expecting it would be from him. Pero nabuhos na naman ang disappointments ko nang wala akong nakitang mensahe galing sa kan'ya. This is exactly what I'm saying. Isang araw, pakiramdam ko espesyal ako, at sa susunod na araw pakiramdam ko past time lang ako. This is driving me insane.
Sabi nila, action speaks louder than words. Pero in my case, parang mas gusto kong magsalita na lang siya kaysa hinahayaan niya akong magassume sa pabago-bagong actions siya. Humugot ako ng malalim na hininga bago binuksan ang messages ko.
From: Seth
I'm sorry baby. Hindi ko alam kung bakit ako naduwag. I still love you, alright?
Napangiti ako. Yes, naiintindihan ko. He's in love. And it's love over all things. Nagreply ako kay Seth na ayos lang naman saka ko binuksan ang pangalawang message.
BINABASA MO ANG
Our Forgotten Tale [COMPLETED]
RomanceUNEDITED What if yesterday started to belong in the past... In a blurry memory... A dream? What if all you've gained, all you've fought for have been long forgotten? What if you start to be unseen, unheard, unremembered by the one you dearly loved...