Liham # 2

6.4K 132 2
                                    

Dear Esteban,

Ang sakit marinig sa’yo na hindi mo ako kilala.

Alam mo bang binasa ko ito sa’yong diary ko? Pero mukhang hindi umeepekto. Di bale, marami pang araw. Lagi kita kekwentuhan.

 

 

Dear Esteban,

I always wear my bracelet. It’s like a flashback of our story. It’s like my love for you, no words needed. Pinakita ko pa nga to sayo kanina, kaso hindi mo naintindihan. Ayos lang kahit hindi mo maalala. Ayos lang. I’ll be strong. For us.

 

 

 

Dear Esteban,

Miss na miss na kita. Yung yakap mo. Yung halik mo. Kailan mo kaya ako maaalala? Please, tulungan mo ako magkaroon ng lakas.

 

Dear Esteban,

Ang saya saya ko ngayon kasi pakiramdam ko nakikilala na ako ng puso mo.

 

Dear Esteban,

Nagliligpit ako ng gamit kanina. Nakita ko yung brief mo. Nilabhan ko na yun, ibabalik ko na sa’yo. Nakakatuwa balikan yun, ano? Yung inutusan mo pa talaga sila bumili ng damit ko, pero ikaw na mismo bumili ng bra ko. Bakit ba baby bra ang pinasuot mo sa akin?

Di bale, ibibigay ko na lang yun sa magiging anak natin.

 

 

Dear Esteban,

Naalala mo ba nung niligawan mo ako? Nakakatuwa. Nakakita kasi ako ng kabayo kanina, hindi ko maiwasang hindi iyon maalala. Balik na lang tayo doon, please? Yung mga panahong hindi mo ako maialis sa tingin mo. Mga panahong ako lang ang nakikita mo. Hindi si Jessica. Ako.

 

Dear Esteban,

Napapadalas na ang sakit ng ulo ko. Pati mga blackout ko. Pero wag ka magalala, hihintayin kong bumalik ang alaala mo. Magpapakasal pa nga tayo, diba?

 

Dear Esteban,

Remember the days na ayaw mo akong nasasaktan. Balik tayo doon, please. Kasi ang sakit sakit na.

 

Dear Esteban,

Kausap ko si Alexis kanina. Alam kong nagseselos ka sa kan’ya, sinuntok mo pa nga siya. Pero pasensya ka na, hindi ko na kasi nakayanan. Kailangan ko na itong ilabas, baka sumabog na ako.

 

 

Dear Esteban,

Kanina nakita kong sinusubuan ka ni Jessica. Ako dapat gumagawa non. Pero ayos lang. Promise, I’m okay.

 

Dear Esteban,

Dumating yung mga kaibigan mo kanina. Bakit sila naaalala mo? Bakit ako hindi?

 

Dear Esteban,

I think I’m giving up.

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon